Ministry for the Dying and Their Families, Tinalakay sa Pastoral Care Training

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Ministry for the Dying and Their Families, Tinalakay sa Pastoral Care Training

October 16, 2026 by Diocesan Media

GMA, CAVITE – Tinalakay ang Ministry for the Dying and Their Families sa isinagawang Pastoral Care Volunteer Training (PCVT) ng Ministri sa mga May Karamdaman sa Parokya ng San Jose Manggagawa, GMA, Cavite, nitong Oktubre 16, 2026.

Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng wastong paggabay at pag-aalaga sa mga taong nahaharap sa nalalapit na kamatayan, gayundin sa kanilang mga pamilya. Tinalakay ang iba’t ibang emosyon at reaksiyong maaaring maranasan sa ganitong sitwasyon, at ang pangangailangang makinig nang may pag-unawa, magbigay ng sapat na panahon upang maipahayag ang kanilang damdamin, at manatiling mapagmahal na presensya sa gitna ng takot, lungkot, at pangungulila.

Binigyang-halaga rin ang papel ng mga pastoral care volunteer sa pagbibigay ng espirituwal na paggabay, panalangin, at kapanatagan, gayundin sa paggabay sa pamilya sa huling pamamaalam sa kanilang mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng mahabaging paglilingkod at presensya, layunin ng ministeryong ito na matulungan ang mga naghihingalo at kanilang pamilya na harapin ang huling sandali nang may dignidad, pagmamahal, at pananampalataya.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6