Hinuhubog sa Pananampalataya, Pinagbubuklod sa Misyon: 2nd MPK Leaders’ Formation ng Diyosesis ng Imus, Isinagawa

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Hinuhubog sa Pananampalataya, Pinagbubuklod sa Misyon: 2nd MPK Leaders’ Formation ng Diyosesis ng Imus, Isinagawa

October 12, 2026 by Diocesan Media

TEJERO, GENERAL TRIAS – Nagpatuloy ang buwanang pagtitipon ng mga lider ng Ministri sa Panlipunang Komunikasyon (MPK) ng Diyosesis ng Imus noong ika-10 ng Oktubre taon 2026 sa Mary Help of Christians Parish, Tejero, General Trias, Cavite para sa kanilang 2nd MPK Leaders’ Formation. 

Tinalakay sa naturang pagtitipon ang mga paksang “Capturing His Light: Transcending the Frame, Witnessing Christ through Photography and Videography” na ibinahagi ni Ginoong Moses Ralph Rosello, Documentation Committee Head ng Diocese of Imus MPK. Sa kanyang pagbabahagi, binigyang diin nya na si Hesus ang ilaw ng sanlibutan na dapat lagi nating tutukan lalo na ng mga lente ng ating mga camera at cellphone. Aniya, “Let us recognize that Jesus is the Light of the world. The Light that we capture.” Ang mga salitang ito ay nangangahulugan ng mas malalim pagtingin sa sinasabi ng siyensya tungkol sa papel ng liwanag sa potograpiya (photography) at bidyograpiya (videography). 

Sunod na nagbahagi ay si Ginoong Jaezel Nugpo, Graphics Committee Head ng Diocese of Imus MPK para sa paksang “Form, Function and Faith: Visual Design with Purpose for Social Communications Ministry” na kung saan ay tinalakay nya hindi lamang ang mga teknikal na aspeto ng graphics design kundi pati na rin ang mga layunin at teyolohikal na mga aspeto nito. Ipinaalala niya sa mga MPK leaders na si Hesus ang Perpektong Tagapaghatid ng mensahe at ang ministri ay kay Kristo - kung wala Siya, wala itong kabuluhan. Aniya, “We must remember that Christ is the Perfect Communicator. The ministry belongs to Christ – without Him, it means nothing.”

Pagkatapos ng pagbabahagi ay sama-samang kumain ng tanghalian ang mga MPK leaders at umuwing busog ang mga tiyan, puso, espiritu at kaisipan sa pinagsaluhang paghuhubog at pagbubuklod sa misyong kaloob ng Diyos. 

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6