Events

Searching...

SINELAYAN FILM FESTIVAL: PELIKULA PARA SA PAG-ASA

SINELAYAN FILM FESTIVAL: PELIKULA PARA SA PAG-ASA

October 16, 2025

Deadline: October 16, 2025 | 11:59 PM

 

Cavite - Opisyal ng inilulunsad ng Caritas Imus sa ilalim ng programang Byaheng Edukasyon ang kauna-unahang Sinelayan Film Festival, isang biennial na selebrasyon ng sining, kultura, at kabataang Caviteño. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Ministri sa Kabataan at Sistah Bridge Production. Layunin ng festival na gamitin ang pelikula bilang plataporma ng pag-asa at pagkilos, habang nangangalap ng pondo para sa programang LEAP for Youth—isang educational assistance initiative para sa mga deserving youth-leaders sa buong lalawigan. 

Sa temang “Mukha ng Pag-asa”, hinihikayat ng Sinelayan ang mga kabataang filmmaker mula sa iba't ibang vicariate ng Diyosesis ng Imus na lumikha ng mga maiikling pelikula na nagsasalaysay ng pag-asa, pananampalataya, at panlipunang kamalayan. Ang proyekto ay binubuo ng mga workshop, mentoring, at production phase, na magtatapos sa isang public screening at Awards Night

Bahagi rin ng paghahanda ang isang serye ng one-day Filmmaking Workshops sa apat na piling parokya sa Cavite ngayong Mayo at Hunyo. Hangad nitong hubugin ang kakayahan ng kabataan sa larangan ng pelikula, mula sa pagsulat ng script hanggang sa post-production. 

Ayon sa Project Head ng Sinelayan Film Festival

"Hindi lang ito tungkol sa paggawa ng pelikula. Ito ay tungkol sa pagbibigay tinig sa mga kabataang may kwento ng pag-asa at pagbangon—at pagbibigay daan sa isang mas maliwanag na kinabukasan.” 

Ang Sinelayan ay hindi lamang selebrasyon ng talento, kundi isang pagkilos para sa mas malawak na layunin—ang edukasyon, sining, at sama-samang pag-asa. 

Para sa karagdagang detalye at para makiisa sa proyekto, bisitahin ang Caritas Imus Facebook page o mag email sa [email protected]

Read More
𝗟𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗟𝗨𝗠𝗔𝗡 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲

𝗟𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗟𝗨𝗠𝗔𝗡 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲

May 17, 2025

𝗟𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗟𝗨𝗠𝗔𝗡 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲
𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐢𝐡𝐢𝐧𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐠𝐡𝐢𝐦𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐚𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧𝐚, 𝐒𝐭𝐚. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐌𝐚𝐠𝐝𝐚𝐥𝐞𝐧𝐚

𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟭𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝐚𝐭 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟮𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟱

Halina’t ating samahan ang Pintakasi ng Rebolusyon,ang Patrona at Paraluman ng Bayan ng Kawit sa kanyang Paglalakbay sa buong Lalawigan ng Cavite upang Ipahayag ang Mabuting Balita ng Panginoong Hesukristo.

Ngayong Mayo 17 at Mayo 24, sama-sama tayong HUMAYO’T IPAHAYAG ang Mabuting Balita sa bawat Kabitenyo.

Tena’t Salubungin ng buong galak ang Paraluman ng Kawit!

VIVA STA. MARIA MAGDALENA!

*𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘵𝘢𝘭𝘺𝘦 𝘯𝘨 𝘓𝘢𝘬𝘣𝘢𝘺 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘭𝘶𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘓𝘢𝘭𝘢𝘸𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘣𝘢𝘺𝘣𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘖𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘩𝘪𝘯𝘢

===================================
𝗠𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡𝗔!

𝘏𝘢𝘭𝘪𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘶𝘢𝘳𝘪𝘰 𝘯𝘪 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘔𝘢𝘨𝘥𝘢𝘭𝘦𝘯𝘢!
𝘛𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘸𝘪𝘵, 𝘊𝘢𝘷𝘪𝘵𝘦!

#LakbayParalumanSaLalawiganNgCavite
#PistangMagdalena2025
#PistangKawiteño2025
#JubileoTaong2025
#LakbayPagasa

Read More
BIGKIS 2025

BIGKIS 2025

May 17, 2025

TARA! BIGKIS NA!  BIGKIS 2025

"Isang bigkis, isang sambayanan, sama-samang naglalakbay tungo sa pag-asa".

Ang Tahanan ng Mabuting Pastol ay muling magdiriwang ng BIGKIS o pagsasama-sama ng bawat apostolate area ng mga seminarista. Ito ay isang paraan ng pasasalamat sa bawat taong nakalakbay ng mga seminarista sa mga parokyang kanilang pinakipamayanan. Ito ay magaganap sa May 17, 2025 sa Tahanan ng Mabuting Pastol Gymnasium.

See you mga kapatid! 

For more information please visit the official FB Page of TMP: https://www.facebook.com/tmpdoi

Read More
Our Lady of Fatima Parish - Salitran Fiesta Mass

Our Lady of Fatima Parish - Salitran Fiesta Mass

May 12, 2025

May 12, 2025 - Our Lady of Fatima Parish, Salitran

Fiesta Mass at 5:30 PM

by H.E. Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, D.D. | Bishop of Imus

Read More
SEND-OFF MASS FOR PPCRV VOLUNTEERS

SEND-OFF MASS FOR PPCRV VOLUNTEERS

May 10, 2025

ATTENTION: 

All Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) volunteers are invited to join the send-off Mass on May 10, 2025 (Saturday), 9:00AM, at Our Lady of the Pillar Seminary, Buhay na Tubig, Imus City.

Read More
TO BECOME CHOSEN: Faith, Politics & the 2025 Election

TO BECOME CHOSEN: Faith, Politics & the 2025 Election

May 07, 2025

Everyone is invited to join the free online webinar on May 7, 2025 (Wednesday), from 2:00 to 4:00 PM. The event will be livestreamed on the official Facebook page of the Religious Education Department.

#freewebinar #religiouseducation 

Read More
Parokya ng Ang Mabuting Pastol - 35 Taong Kapistahan ng Pagkakatatag bilang Parokya

Parokya ng Ang Mabuting Pastol - 35 Taong Kapistahan ng Pagkakatatag bilang Parokya

May 06, 2025

Misa Concelebrada

Isang Paanyaya! 

35 taong kapistahan ng pagkakatatag ng Parokya ng Ang Mabuting Pastol

Misa Concelebrada: May 6, 2025 | 9:30 ng umaga

Pamumunuan ni Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D. | Obispo ng Imus

Read More
PISTANG BAYAN NG NOVELETA 2025

PISTANG BAYAN NG NOVELETA 2025

May 03, 2025

𝐁𝐚𝐧𝐝𝐚'𝐭 𝐦𝐮𝐬𝐢𝐤𝐨'𝐲 𝐦𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐨!

𝐑𝐞𝐤𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐞𝐧𝐮𝐝𝐨 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐮𝐧𝐭𝐢-𝐮𝐧𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐮𝐤𝐮𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐨!

𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐨 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐨𝐤 𝐚𝐲 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐞ñ𝐨!

HETO NA! Ang isa sa mga pinaka-iniintay-intay ng lahat, ang pagdiriwang ng 𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗟𝗘𝗧𝗔! Buhayin natin ang tradisyon, ating pasiglahin ang debosyon at palalimin ang panalangin at pag-asa!

Tema: “Sambayanang Yakap ang Krus ng Pag-asa, Naglalakbay kasama si Sta. Elena” 

Read More
St. Peregrine Laziosi Parish Canonical Erection & Installation of Rev. Fr. Hector Arellano

St. Peregrine Laziosi Parish Canonical Erection & Installation of Rev. Fr. Hector Arellano

May 02, 2025

Everyone is invited!

Read More
Divine Mercy Feast 2025

Divine Mercy Feast 2025

April 27, 2025

𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐑𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐀𝐖𝐀

𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗔𝘄𝗮:
April 18 - 26
2:00 pm - Rosaryo at Nobena
3:00 pm - Chaplet at Misa

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀:
Wala pong Misa ng Umaga ngayong Lunes(April 21) at Sabado(April 26).

𝐌𝐢𝐬𝐚 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐝𝐚:
7:00 am-𝗠𝗼𝘁𝗼𝗿𝗰𝗮𝗱𝗲
9:30 am - 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝗱𝗮:
                 Punong Tagapagdiwang: 𝐋𝐮𝐛. 𝐊𝐠𝐠. 𝐑𝐞𝐲𝐧𝐚𝐥𝐝𝐨 𝐆. 𝐄𝐯𝐚𝐧𝐠𝐞𝐥𝐢𝐬𝐭𝐚, 𝐎𝐅𝐒, 𝐃.𝐃.
                                                            𝗕𝗶𝘀𝗵𝗼𝗽 𝗼𝗳 𝗜𝗺𝘂𝘀 
                 kasama ang mga Kaparian
3:00 pm -Misa

𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗲𝗿𝗰𝘆 𝗦𝘂𝗻𝗱𝗮𝘆
7:00 am
9:00 am
3:00 pm
5:30 pm

Pagkatapos ng misa sa Ika-5:30 ng hapon, prusisyon kasama ang mga Patron ng Barangay. 

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang official FB Page ng Divine Mercy Parish: https://www.facebook.com/divinemercydioceseofimus.





Read More
Family and Life Conference

Family and Life Conference

April 24, 2025

Launching of Pre-Cana Module

The Ministry on Family and Life will launch its Pre-Cana Book on April 24, 2025, 7:00 am to 12 nn at Divine Mercy Parish, Biluso, Silang.  Target participants are 10 pre-Cana facilitators per parish.

Read More
Chrism Mass

Chrism Mass

April 17, 2025

Renewal of priestly vows

𝐀𝐁𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟕: 𝐇𝐔𝐖𝐄𝐁𝐄𝐒 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 | 𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐑𝐈𝐒𝐌𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟱

𝐃𝐢𝐨𝐜𝐞𝐬𝐚𝐧 𝐒𝐡𝐫𝐢𝐧𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐨𝐟 𝐎𝐮𝐫 𝐋𝐚𝐝𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐢𝐥𝐥𝐚𝐫 - 𝐈𝐦𝐮𝐬 𝐂𝐚𝐭𝐡𝐞𝐝𝐫𝐚𝐥

𝟲:𝟬𝟬 𝗡.𝗨. - Panalangin ng mga Kristiyano sa Umaga

𝟔:𝟑𝟎 𝐍.𝐔. - Misa ng Krisma

sa pangunguna ng Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D. (Obispo ng Imus)

Bukas ay magtitipon tayo upang magpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabasbas sa mga banal na langis na gagamitin sa pagpapahayag ng Kanyang biyaya sa sambayanan.

Sa ating pagtitipon, hindi lamang natin pinapahalagahan ang kahalagahan ng mga banal na langis kundi pati na rin ang pagsasariwa ng pangako sa pagkapari ng ating kaparian. Ang mga langis na ito ay magiging daan upang patibayin ang ating pagiging mga lingkod ng Diyos at mga tagapamahala ng Kanyang biyaya. Sa ating pagsasama-sama, ipinapakita natin ang ating pagtanggap sa banal na misyon na ipinagkatiwala sa atin.

𝙈𝙖𝙠𝙞𝙞𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙙𝙞𝙧𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙩𝙤. 𝙎𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙥𝙬𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙢𝙥𝙖𝙡𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙖𝙡𝙪-𝙨𝙖𝙡𝙤 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙣𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙙𝙞𝙧𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙈𝙞𝙨𝙖 𝙣𝙜 𝙆𝙧𝙞𝙨𝙢𝙖!

#DioceseOfImus #MisaNgKrisma2025 #HuwebesSanto 

#SemanaSanta2025

Read More
3rd Diocesan Lay Formation Conference

3rd Diocesan Lay Formation Conference

March 29, 2025

𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗜𝗦 𝗡𝗢𝗪 𝗢𝗣𝗘𝗡

3rd Diocesan Lay Formation Conference
March 29, 2025 | 8 AM
Sisters of Mary Girlstown - Silang, Cavite

All 𝐭𝐡𝐫𝐞𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐢𝐜𝐢𝐚𝐧𝐭𝐬 are from:
(a) the existing parish formation team or,
(b) potential formation team members as identified by the Parish Priest, and
(c) have completed the 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐌𝐨𝐝𝐮𝐥𝐞.

Register through this link:
bit.ly/3rdDLFCon

𝗗𝗘𝗔𝗗𝗟𝗜𝗡𝗘: 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵 𝟮𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟱

Note: Please prepare a registration fee of 400php per person for conference fee, kits, AM & PM snacks, and share for other expenses

Read More
Liturgical Conference on Lent and Easter 2025

Liturgical Conference on Lent and Easter 2025

March 25, 2025

Kasabay ng ating paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon, paghandaan din natin ang mga liturhikal na pagdiriwang sa loob ng mga banal na panahong ito. 

Kaya naman ang bawat parokya ay inaanyayahan para sa isang panayam para sa panahon ng kwaresma at muling pagkabuhay. Ito po ay bukas para sa kaparian sa ating diyosesis, kasama ang tatlong kinatawan mula sa ministri sa liturhiya ng bawat parokya. Iminumungkahi na isa (1) mula sa mga ministri ng Altar Servers, Commissioned Readers (ComRe) at Musika (Music in the Liturgy).

Para sa mga parokya sa lowland Cavite: Marso 25 sa St. Joseph the Worker Chapel, Malagasang I-G, Imus City, Cavite
Para sa mga parokya sa upland Cavite: Abril 9 sa SK Hall, Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Candelaria, Silang

Mangyari pong makipag-ugnayan sa inyong mga kura paroko at mag-register gamit ang link na nasa larawan o i-scan ang QR code.

Read More
Ministry on Ecology General Assembly

Ministry on Ecology General Assembly

February 22, 2025

Malugod pong inaanyayahan ang mga Katiwala ng Kalikasan, sa darating na General Assembly ng Ministry on Ecology na gaganapin sa:

 Nuestra Señora dela Paz Y Buen Viaje Parish - Addas, Bacoor City.
 Pebrero 22, 2025, Sabado
8:00 AM - 12:00 NN

Ito ay isang pagkakataon upang magbuklod, magbahagi ng kaalaman, at pagtibayin ang ating misyon sa pangangalaga ng kalikasan bilang bahagi ng ating pananampalataya. Inaasahan po ang inyong presensya at pakikiisa sa mahalagang pagtitipong ito.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong mga tagapag-ugnay.

"Sapagkat ang buong nilikha ay may inaasahang maluwalhating kalayaan bilang mga anak ng Diyos." (Roma 8:21)

Read More
Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Version: v1.2.8