Source: Niño Studio
Searching...
Dear Brothers and Sisters,
Peace be with you!
As the second quarter of 2024 unfolded, we were confronted with the stark reality of environmental issues, including record-breaking heatwaves that pushed temperatures to life-threatening extremes. These were followed by an unprecedented rainy season that brought about immense flooding, not only in low-lying areas, but also in places previously unaffected. Lives, work, and livelihood were threatened.
Mother Earth is groaning!
Most Filipinos are naturally mother-oriented. 'Naku po' is a by-word for us. This phrase is uttered in various situations, including when we are thrilled by good news, taken aback by surprise, or overwhelmed by bad news, fear, or trouble. "Naku po" is essentially a colloquial expression for "Inay ko po! (My mother!). We do not say, 'Itay ko po!' (My father!), not because we love our fathers less than our mothers. It just comes naturally for us.
Our bond with our mothers is rooted from conception. We were born with the pangs of birth and then utmost joy. (John 16:21) The image of a mother in anguish is indeed unbearable, prompting us to instinctively alleviate her suffering and bring comfort.
Creation is groaning in the pains of childbirth (Romans 8:22)
The 2024 Season of Creation theme, "To hope and act with Creation", is inspired by Romans 8:19-24.
St. Paul presents creation as a mother in pain, groaning as in childbirth due to humanity's greed and unsustainable use of her resources. (Laudato Si, 204) St. Francis of Assisi also saw creation as our sister and our mother (Canticle of Creatures). Would Mother Earth continue to care for us if we neglected to care for her?
As Mother Earth cries out in lament, humans and all creatures suffer the consequences of our destructive actions causing climate crisis, loss of biodiversity, environmental degradation, and human suffering. Our structural and ecological sins inflict pain on Earth and all creatures, including ourselves. These are due to our negligence, ignorance, and unrelenting desire to satisfy unrealistic selfish dreams (cf. Rom 8:22).
Through our shared mother-oriented nature, we see hope. We hope for a better future by making a new start. (LS, 205) In the Sacred Scriptures, to hope is not to remain passive and motionless. Hope is a transformative process of overcoming adversity, marked by intense struggle, yet ultimately yielding new life and renewal.
The Diocese of Imus acknowledges the progress made in responding to the call of the Season of Creation. Our small accomplishments bring hope, and the gift of hope empowers us to act.
Creation is standing on tiptoe waiting for the children of God to be revealed (Romans 8:19)
According to Saint Paul, since Creation and humanity have been conceived from the beginning, they are mutually connected. His Holiness Pope Francis emphasized this co-responsibility that, as we care for creation, we take care of ourselves, especially the poor (LS, 139) who suffer most whenever the environment is attacked. (LS, 48) Indeed, the first fruits of hope can only be born if we work together with Creation.
As God's children, we should humbly acknowledge our place, worshipping and honoring the Lord and recognizing our sacred responsibility as stewards of creation.
Our Mother Earth is groaning! What child would not care at all?
Pope Francis admonishes us: 'The world in which we live is collapsing and may be near breaking point' (Laudate Deum, 2). Let us hope and act now.
As we simultaneously launch the 2024 Season of Creation in all parishes on this 22nd Sunday in Ordinary Time, we reiterate our urgent call for parishes to:
When we plant trees, we nurture the virtue of hope.
As we listen to the cry of Creation, let us contemplate on the anguish of the Mother of Christ before the Cross. Let us pray for the conversion of our hearts.
Sincerely in Christ,
(SGD)+REYNALDO G. EVANGELISTA, D.D.
Bishop of Imus
In a recent, expeditious move by the House of Representatives, House Bill No. 9349 that seeks to reinstitute absolute divorce as an alternative mode for dissolution of irreparably broken or dysfunctional marriages was recently approved in its third reading on May 22, 2024. One-hundred twenty-six (126) Representatives voted in favor; one-hundred nine (109) voted against; and twenty (20) abstained. Subsequently, this was transmitted to the Senate on June 10, 2024 for another round of review and debate.
Be it known that the Diocese of Imus stands firm on the sanctity, indissolubility, and inviolability of marriage from which the foundation of every human family rests. Guarded by the 1987 Philippine constitution, marriage is not simply a contract between a man and a woman, but a covenant and a lifetime commitment.
This biblical passage from Matthew 19:5-6 profoundly expresses the beauty of the vocation for married life:
'For this reason, a man will leave his father and mother and be united to his wife, and the two will become one flesh. So, they are no longer two, but one flesh. Therefore, what God has joined together, let no one separate.”
This divinely revealed plan is not only exclusive for Christians, but is manifested to all men and women of good will who, through their conscience, are able to discern what is good and true, and submit humbly to the eternal plan of God. The responsible use of conscience enables nations throughout the world to enact human laws that provide meaning and stability for married life and all human families.
It is for this reason that Section 1, Article XV of the 1987 Philippine Constitution had been framed. This is the by-product of a common discernment of people who uphold what is good, noble, and true that gives value to every Filipino family. For instance, this law provides that the state shall strengthen its solidarity and actively promote its total development.
Following this point of view, Section 2 of Article XV considers marriage as an inviolable social institution and foundation of every family that must be protected by the State. In fact, Article 1 of the Family Code of the Philippines (Executive Order no. 209) reiterates these values stressing that marriage is a special contract of permanent union, the foundation of the family, and an inviolable social institution.
The Diocese of Imus, along with the Family and Life Ministry, Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), Sangguniang Layko ng Pilipinas (SLP), religious groups, and other coalitions stand firm in its opposition to reinstituting absolute divorce in the Philippines for two important grounds:
1. It clearly violates God's eternal law and His plan for humanity; and
2. it contemptuously breaches the 1987 Philippine Constitution that mirrors God's eternal will, particularly the sanctity, indissolubility, and inviolability of marriage, and the stability of every Filipino family.
Indeed, those who tinker with this fundamental law meddle with the Divine plan which will consequently lead to instability and collapse of Filipino families and the Filipino nation as a whole. According to the statement of the Sangguniang Layko ng Pilipinas, there is an inexhaustible array of literature which document the effects of divorce to families. The group mentioned that '[d]ivorce damages the family. The availability of a legal option for terminating a valid marriage destabilizes the marital bond, and with it, the family unit itself, which is society's basic unit. It would lead to the breakdown of relations among its members, with all its adverse effects - especially on children – which include depression, dropping out of school, risky behavior, and even premature death.'
The Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) also reiterates that in a context in which divorce is presented as an easy option, marriages and families are bound to break up more easily. More children will grow up disoriented and deprived of the care of both parents. CBCP reiterates its strong appeal to legislators that while divorce may provide quick legal remedies for some seemingly 'failed marriages,' it may end up destroying even those marriages that could have been saved by dialogues and interventions of families, friends, pastors, and counselors. In addition, it stressed that the legal remedies for difficult circumstances are not lacking in the country's existing laws, both civil and canonical.
We therefore appeal to our honorable legislators to fulfill their constitutional mandate of strengthening and protecting marriage by upholding and preserving its permanent character; find ways to improve and make the existing laws on civil (and even canonical) annulments more efficient; and strengthen the Family Code of the Philippines by enacting laws that would address expensive and inefficient annulment procedures, inadequate marriage preparations, and spousal abuses, while at the same time safeguarding and keeping valid marriages and families intact.
The clergy, consecrated persons, and lay faithful of the Diocese of Imus will commit to collaborate with society and provide avenues for discernment and preparation of couples before marriage; guide and inspire married couples to live a holy life; and counsel families in their most difficult moments.
Once again, we strongly state that ABSOLUTE DIVORCE TRANSGRESSES GOD'S LAW AND THE FUNDAMENTAL LAW OF THE LAND enshrined in the 1987 Philippine Constitution.
May the Lord constantly increase in us the grace of commitment and fidelity to His will.
Given at the Chancery Office, City of Imus, Cavite on the 26th of June 2024.
Sincerely in Christ,
(SGD.)+REYNALDO G. EVANGELISTA, D.D.
Bishop of Imus
LIHAM PASTORAL
ARAW NG PAGLINGON AT PAGTANAW
(Ika-29 ng Pebrero, 2024)
'Si Jesukristo noong nakaraan ay siya rin sa kasalukuyan at siya rin magpakailanman.' (Hebreo 13:8)
Minamahal na mga kapatid na pari, mga relihiyosa at relihiyoso, mga lider layko ng ating mga parokya, lahat kayong mga kapatid kay Kristo,
Sumainyo ang pagpapala ng Panginoon!
Natitipon tayo ngayong araw na ito sa ilang kadahilanan. Una, ipinagdiriwang natin ang ika-25 Taon ng First Diocesan Pastoral Assembly (DPA-1) na ginanap noong Pebrero 22-26, 1999 sa Development Academy of the Philippines (DAP), Tagaytay City, sa pangunguna ng yumaong Manuel C. Sobreviñas, D.D., Obispo ng Imus noon. Sa pagtitipon na iyon nabuo ang PANGARAP (VISION) NG DIYOSESIS NG IMUS. 'Maging sambayanang Kristiyanong maka-Diyos — makatao, makabuhay, makakalikasan at makabayan - mga alagad ni Kristo at Simbahan ng mga Dukha na may pananagutan at pakikisangkot sa pinagpanibagong lipunan sa tulong ni Maria, Birhen ng Del Pilar'
Binalangkas din noon ang mga ATAS NA GAWAIN (MISSION STATEMENT) ng ating diyosesis:
1. Patuloy na paghuhubog ng mga Pari, Relihiyoso/ a at Layko,
2. Pagbubuo at pagpapatibay ng mga munting pamayanang Kristiyano (BEC), na nakabatay sa Salita ng Diyos at Turo ng Simbahan, upang maging buhay na saksi ng paghahari ng Diyos,
3. Pagtatatag ng mga angkop na balangkas at programang pang-diyosesis, pambikaryato at pamparokya, at
4. Maka-Kristiyanong pagtugon sa mga pagbabagong nagaganap sa pamilya at lipunan.
Patuloy nating pinagsisikapang maisabuhay ang mga ito bilang sambayanan ng Diyos. Nasundan ito ng mga konsultasyon at pagbubuo o pagtutukoy ng limang (5) larangan (Apostolate) at dalawampu't dalawang (22) ministri na tinawag na DIOCESAN PASTORAL PRIORITIES FOR EVANGELIZATION (DPP-E). Ipinag-utos ang pagpapatupad nito noong ika-25 ng Marso, 2004 ng dating Obispo ng Diyosesis Luis Antonio G. Tagle na ngayon ay Luis Antonio Cardinal G. Tagle — Pro-Prefect for the Section of First Evangelization of the Dicastery for Evangelization. Noong dumating ako dito sa ating diyosesis, sa tulong ng yumaong Fr. Sharkey Brown at mga pari ay nakapagbuo tayo ng Pastoral Plan na nakaugat sa DPP-E na ginamit natin sa iba't-ibang ministri. Tinatawag itong 'Alfonso Document' dahil nabuo ito sa St. Paul Renewal Center, Brgy. Taywanak, Alfonso, Cavite at pormal na inilunsad ito noong 2014 sa Rogationist College Auditorium. Nililingon natin ngayon ang lahat ng naging pag-unlad, hamon, at mga biyaya na tinanggap natin bilang sambayanan ng Diyos na may misyon sa nagbabagong kalagayan ng Simbahan at lipunan sa lalawigan ng Cavite.
Napakahalagang magpuri at magpasalamat tayo sa Diyos sa dalawampu't-limang (25) taon na nakaraan na ginabayan tayo ng Espiritu Santo sa ating mga pagkilos, pagsisikap at pagkakaisa sa landas ng pagpapanibago. Napakahalagang makita natin sa ating paglingon ang ating mga kalakasan at kahinaan, ang ating paghuhubog na pinagdaanan, ang ating mga pagkilos at pagpapahayag ng ating mga saloobin na mahahalagang sangkap ng ating sama-samang paglalakbay bilang isang diyosesis. Napakahalagang sinuri natin ng ilang beses at lalo pa nitong nakaraang dalawang taon ang pagpapatupad natin ng mga apostolado at ministri sa ating diyosesis. Matiyaga nating binigyan ng pagtatasa (evaluation) ang iba't-ibang apostolado at ministri na nakapaloob sa ating mga programang pastoral para makapagbalangkas tayo ng mas epektibong pamamaraan ng paghuhubog at pagpapanibago para sa lahat. Mula sa mga pagtatasa (evaluation) na ito ay nagdesisyon ang ating diyosesis na maghubog ng mga Lay Pastoral Workers (LPWs) na malaki ang maiaambag sa pagpapatupad ng ating programang pastoral. Mayroon po tayo ngayong siyam (9) na Lay Pastoral Workers (LPWs). Salamat sa kanilang sipag at dedikasyon sa pagpunta sa mga parokya para mapasigla pa lalo ang ating mga programang pastoral.
Ang ikalawang dahilan ng ating pagtitipon sa aspeto ng paglingon ay upang gunitain ang ika-32 Taon ng Pagpanaw ng ikalawang Obispo ng Diyosesis ng Imus, ang Lubhang Kgg. Felix P. Perez. Pumanaw siya noong Pebrero 29, 1992. Naglingkod siya sa ating diyosesis sa loob ng dalawamput-tatlong taon (1969-1992). Kilala siya sa malalim niyang malasakit sa mga dukha at mga nangangailangan. Ang sabi niya: 'The Church must be on the side of the poor, because most of the time we will be right when we are on the side of the poor.'Ang dugtong pa niya — '... the Diocese of Imus has a preference and option for the poor... I think that whenever there is some kind of injustice being done, the church always comes out... and has something to say on the side of the poor.' (halaw sa aklat 'Caritas Omnia Sustinet,' The Spirituality of Discipleship of Bishop Felix Paz Perez)
Sa araw na ito na ika-32 Anibersaryo ng kamatayan ni Bishop Felix Perez nagpapasalamat tayo sa Diyos sa mahigit na dalawampung taon na pagpapastol ng butihing obispo sa ating diyosesis. Mananatiling inspirasyon natin at halimbawa ang pagmamalasakit ni Bishop Felix Perez sa mga dukha na nakasaad din mismo sa pananaw ng ating diyosesis. Dahil alam natin na ang mga banal na nauna na sa atin ay buhay sa piling ng Diyos, sigurado ako na natutuwa sa Bishop Felix Perez sa lahat nating ginagawang pagmamalasakit sa isa't-isa lalo na sa mga dukha at nasa laylayan ng ating lipunan na tunay na malapit sa kanyang puso.
Bukod sa ang araw na ito ay Araw ng Paglingon, ito'y Araw din ng Pagtanaw. Mula sa araw na ito na ika-25 Anibersayo ng First Diocesan Pastoral Assembly (DPA-1) ay sama-sama tayong tumatanaw sa magandang bukas at magpapanibago ng pagtatalaga ng ating sarili sa katuparan ng ating pangarap at misyon. Pinangarap ni Bishop Felix Perez noon na magdaos ng Pandiyosesis na Sinodo (Diocesan Synod) para maipatupad ang nilalaman ng Ikalawang Konsilyo Vaticano. Naanyayahan pa niya noon ang Kgg. na Arsobispo Oscar Cruz para magbigay ng panayam tungkol sa Pandiyosesis na Sinodo. Iminungkahi ni Arsobispo Cruz na hintaying matapos ang Second Plenary Council of the Philippines (PCP II). Nabuo ang Committee on Synod Preparation sa pagtitipon ng mga pari sa La Salette noong Oktubre 14, 1991. Sa di inaasahang pangyayari ay pumanaw si Bishop Felix Perez noong Pebrero 29, 1992. Pero sa biyaya ng Diyos, isasakatuparan natin ang pinangarap noon ni Bishop Perez na magdaos ng Sinodo ang ating diyosesis.
Kaya po, ito ang ikatlong dahilan ng ating pagtitipon. Bilang kasalukuyang Obispo ng ating diyosesis, pormal ko pong ipinahahayag na magdaraos tayo ng First Diocesan Synod sa 2026. Hihintayin muna nating matapos ang Synod on Synodality ng buong Simbahan na may temang 'For a Synodal Church: Communion, Participation, Mission'... 'Simbahang Sinodal: Nagkakabuklod, Nakikibahagi, Nagmimisyon.' Binuksan ng ating Santo Papa Francisco noong Oktubre 10, 2021 ang Sinodo na ito at ang huling pagtitipon ng XVI Ordinary Synod of Bishops ay magaganap sa Oktubre sa taong kasalukuyan. Pag nailathala na ang Post-Synodal Exhortation sa 2025, iaayon natin ang ating mga gawain, patakaran, at programang pastoral sa bunga ng kasalukuyang sinodo ng buong Simbahan.
Habang hinihintay natin ang magiging bunga ng Sinodo para sa buong Simbahan, tuloy-tuloy naman ang pagsusuri natin, pagpapaliwanag at pagtatasa ng ating DPP-E at lahat pang lumabas sa konsultasyon sa Sinodo (synodal consultation). Ang matiyagang pagdaraos ng konsultasyon ng bawat Episcopal District sa loob ng dalawang taon ay bahagi na ng ating paghahanda sa gaganapin nating First Diocesan Synod sa 2026. Buo na rin ang Ad Hoc Committee on the First Diocesan Synod na pinamumunuan ng ating Bikaryo Heneral Fr. Reuel Castañeda. Patuloy po nating ipagdasal na ang lahat ng ating mga paghahanda ay maging kalugod-lugod sa Diyos at sa ikauunlad pa lalo ng ating diyosesis. Marami pa tayong magagawa para sa ating diyosesis. Makinig tayo sa paanyaya ng ating Santo Papa Francisco na sama-samang maglakbay (to journey together) at sa liwanag ng mga salita mula sa Aklat ni Propeta Isaias — 'Enlarge the place of your tent, and let the curtains of your habitations be stretched out' (Isaiah 54:2) ... 'Gumawa ka ng mas malaking tolda, habaan mo ang mga tali at dagdagan ang tulos.' (Isaias 54:2)
Ang ikaapat na dahilan ng ating pagtitipon sa araw na ito ay iaanunsiyo ang lahat ng Priest Animators at Priest Collaborators ng iba't-ibang ministri; ganon din ang mga Spiritual Directors ng mga religious organizations at movements. Iaanunsiyo din ang magsusulong ng Pastoral Integration at Cluster of Communities partikular ang SIMBAHAYAN (Simbahang Pamayanan) na tuloy-tuloy na dumarami at nagiging masigla sa ating diyosesis.
Marami pang biyaya ang darating sa ating diyosesis. Patuloy nawa tayong patatagin ng Diyos sa ating pananampalataya, pag-alabin ang ating pag-asa tango sa magandang bukas. Palalalimin pa lalo sana ng Diyos ang ating pagmamahalan at pagmamalasakitan sa isa't-isa. Ginagabayan tayo ng Espiritu Santo sa lahat nating mga gawain. Siya ang bukal ng tunay na pagkakaisa at paglago natin sa kabanalan. Ang Panginoong Hesukristo ang tunay na Pastol na nangangalaga sa atin. 'Si Jesukristo noong nakaraan ay siya rin sa kasalukuyan at siya rin magpakailanman.' (Heb. 13:8)
Nawa'y sa tulong ng Mahal na Birheng Maria, Birhen Del Pilar, Patrona ng ating diyosesis, samasama tayong makapaglakbay sa pagsasakatuparan ng ating pangarap at misyon.
Pagpalain nawa kayong lahat ng Diyos!
Lubos na gumagalang,
(SGD) +REYNALDO G. EVANGELISTA
Obispo ng Imus
> LIHAM PASTORAL
Miyerkoles ng Abo
Ika-22 ng Pebrero 2023
Pagbati ng kapayapaan!
Ang Miyerkoles ng Abo ay hudyat ng pagsisimula ng Panahon ng Kwaresma. Ito ay ang natatanging panahon upang suriin natin ang ating ugnayan sa Panginoon na madalas ay nawawasak dulot ng ating mga pagkakamali at mga kasalanan.
Dahil dito, marapat lamang na alabok, lupa, o abo ang maging simbolo ng ating pagiging tao. Ang mga ito ay nagpaaalala sa ating karupukan, kahinaan, at mga kasalanan.
Subalit, ito ay isang mukha lamang ng Panahon ng Kwaresma. Lagi nating tatandaan na sa mata ng Diyos, hindi tayo mga alabok lamang. Tayo ay may dangal dahil nilikha tayo ayon sa Kanyang larawan. (Gen. 1:27) Totoo na ang Kwaresma ay tungkol sa ating pagiging makasalanan. Subalit, ito rin ay ang kwento tungkol sa paghango at pag-akay sa atin ng ating Panginoong Hesus patungo sa Diyos Ama. Natupad ito sa pamamagitan ng kanyang kusang-loob na pagpapakasakit, pagkamatay sa krus, at muling pagkabuhay. Tinatawag din itong Misteryo Paskuwal ng ating Panginoong Hesukristo na gugunitain natin at ipagdiriwang sa Triduo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (Paschal Triduum).
Ang pagpanumbalik ng ating dangal bilang mga anak ng Diyos ay ang pinakamahalagang regalo na patuloy Niyang ipinagkakaloob sa atin. Ito ang kalooban ng Diyos na Kanyang ibinubunyag ngayong Panahon ng Kwaresma.
Kaya ang panahong ito ay pagkakataon din ng ating pagbabalik-loob sa Kanya. Sa tagpong ito, hayaan nating gabayan tayo ng mga pagbasa sa Banal na Kasulatan. Tatlong banal na gawain ang iniaalok sa atin ng Diyos tuwing panahon ng Kuwaresma — pananalangin, pagsasakripisyo para pagsisihan ang ating mga kasalanan at pagkakawang-gawa.
Sa unang pagbasa ngayong Miyerkules ng Abo mula sa Aklat ni Propeta Joel, tayo ay inaanyayahan, una sa lahat, na taimtim na manalangin. Sa pamamagitan ng panalangin, sinusuri natin ang kalooban nating hitik sa pagkakamali at pagkukulang. Dahil dito, nakakatagpo natin ang Diyos at natututo tayong magpakumbaba sa Kanya na nagsasabing: 'Magsisi kayong taos sa puso, hindi pakitang tao lamang.' (Joel 2:13) Ang tunay na pagbabalik-loob ay nagsisimula sa kusang pakikipagtagpo sa Diyos sa pananalanging may pagpapakumbaba.
Sa diwang ito, inaanyayahan ko ang lahat ng mga parokya at sambayanan sa Diyosesis ng Imus na bigyang diin ang pananalangin ngayong Panahon ng Kwaresma. Ngayong patapos na ang Corona Virus 2019 (COVID-19) pandemic at bumabalik na tayo sa normal na mga pagdiriwang, pagsumikapan nating palalimin pa ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pangespiritwal na mga programa katulad ng mga Banal na Oras, banal na pagsasanay (recollection), pangungumpisal, pakikiisa sa Banal na Misa, Estasyon ng Krus, at marami pang iba. Ang mga ito ay daan upang mapanumbalik ang ating kalooban sa Diyos.
Ikalawa, ang pagsasakripisyo lalo na sa pamamagitan ng pag-aayuno at abstinensiya. Ang pagaayuno (fasting) at iba pang pagsasakripisyo ay kalugod-lugod ding gawain na iniaalok sa atin ng Diyos. Sa pagsasakripisyo natin at pagdisiplina natin ng ating mga hilig na pangkatawan, uunlad tayo sa kabanalan lalo na sa pagbabayad-puri sa ating mga kasalanan. Ang ating Panginoong Hesukristo ay tumigil sa ilang (desert) ng 40 araw bago Siya nangaral sa mga tao. Naranasan Niya ang pagkagutom at pagkauhaw. Tinukso Siya ni Satanas pero hindi nanaig si Satanas sa Kanya. Mapapaglabanan din natin ang tukso at kasalanan sa pagsasakripisyo.
Ikatlo, ang isang tanda ng pagbabalik-loob sa Diyos ngayong Panahon ng Kwaresma ay ang paggawa ng kabutihan sa kapwa katulad ng pagkakawang-gawa (acts of charity). Sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo, ang tahimik at taimtim na paggawa ng kabutihan para sa mga nangangailangan ay kinalulugdan ng Diyos. Kaya, sinabi ni Hesus: 'Pag-ingatan nyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit.' (Mt. 6: 1)
Ang taos-pusong pagtulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit ay daan tungo sa kabanalan. Walang anumang handog na materyal ang mas hihigit pa sa pag-aalay ng panalangin, panahon, talento, yaman, at sarili para iangat ang kalagayan ng mga dukha at nahihirapan.
Sa panahong ito na marami ang naghihirap dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin, mababang sahod at ang iba pa ay walang trabaho, inaanyayahan ko ang bawat parokya at mananampalataya sa Diyosesis ng Imus na maging bahagi ng buhay-pananampalataya ang pagtulong sa mga mahihirap. Ang pagbibigay ng anumang tulong sa mga nangangailangan ay siguradong gagantimpalaan ng Diyos.
Magandang pagkakataon ang Panahon ng Kwaresma na maging bahagi ng kamalayan natin arawaraw ang pagkakawanggawa. Halimbawa, ang Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ay naglulunsad ng FAST2FEED Program tuwing Miyerkoles ng Abo para paalalahanan tayong lahat na may responsibilidad tayong tulungan at pangalagaan ang mga dukha lalo na ang mga malnourished children. Maaari po kayong pumunta sa mga opisina ng mga parokya para humingi ng donation envelopes para sa inyong tulong. Ilang parokya sa ating diyosesis ang nagsasagawa na ng Feeding Program para sa mga batang kulang sa timbang upang sila ay maging malusog at maging marunong sa pag-aaral. Ang malnutrisyon ay kaya nating bigyan ng solusyon sa pamamagitan ng Feeding Program.
Ito at marami pang iba ang pwede nating gawin para maging mabiyaya ang Panahon ng Kwaresma at mas mapalalim pa natin ang ating pananampalataya at buhay kabanalan bilang mga Katoliko.
Maraming salamat po sa inyong pagsusumikap na mapalalim ang inyong ugnayan sa Panginoon. Panalangin ko po ngayong Panahon ng Kwaresma na patuloy kayong maging daan tungo pagpapanibago ng ating mga sambayanan sa diwa ng pananalangin, pagsasakripisyo at pagkakawanggawa.
Pagpalain nawa kayo ng Diyos! Lubos na gumagalang,
(SGD) +REYNALDO G. EVANGELISTA, D.D.
Obispo ng Imus
General Castañeda St, Pob-1A
City of Imus, Cavite, 4103
Email: [email protected]
Phone: (046) 471-2786