TANZA, CAVITE - Nagkatipon-tipon ang iba't ibang parokya mula sa District of St. John sa St. John Paul Parish Tanza Cavite noong ika-10 ng Oktubre taon 2026, sa pangunguna ng Ministry sa Pagmamalasakit sa Bayan, para sa orientation at pagpasisimula ng pangangalap ng lagda o pirma sa ilalim ng isinusulong na "Dapat Isa Lang" - isang adbokasiyang naglalayong maisabatas ang pagputol at pagtuligsa sa political dynasty.
Ang programa ay nagsimula sa paunang panalangin na pinangunahan ni Rev. Fr. Ronel D. Ilano, Priest Animator ng Ministry sa Pagmamalasakit sa Bayan. Sinundan ito ng pag-awit ng Lupang Hinirang, bilang tanda ng wagas na pagmamahal sa bayan. Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Fr. Ilano ang kahalagahan ng pakikibahagi ng mga mananampalataya sa mga usaping may kinalaman sa kapakanan ng ating lipunan.
Kasunod nito, ay sinunandan na ng pananalita tungkol sa Dapat Isa Lang Movement na pinangunahan ni Bro. Steven Tan-Castro, Secretary ng Ministry sa Pagmamalasakit sa Bayan, na naglahad ng layunin at nilalaman ng panukalang Batas Laban sa Dinastiya sa Pulitika.Ayon sa paliwanag, ang isinusulong na "Dapat Isa Lang" ay naglalayong limitahan ang paghawak sa mga tungkuling pampamahalaan sa loob ng iisang pamilya maging sa pambansa man o sa lokal na antas. Iminungkahi nito na hanggang ika-apat na antas ng pagkakaugnay sa dugo o sa pag-aasawa ay dapat bawal sabay na humawak ng pampublikong tungkulin."Sa kasalukuyan, pinapayagan pa ang mga kamag-anak sa ikatlo at ikaapat na antas sa loob ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Ngunit ang layunin ng Dapat Isa Lang ay isama na rin at ipagbawal ang hanggang ikaapat na antas upang magkaroon ng tunay na pagbabago," paliwanag ni Bro. Steven.
Ipinakita rin sa mga dumalo ang visual na ugnayan ng magkakamag-anak hanggang ikaapat na antas, pati na ang mga tiyak na halimbawa ng pagkakaroon ng dynasty sa iba t ibang panig ng bansa. Nagpakita din ng mga video na nagpapaliwanag ng masamang epekto ng pag-iisang pamilya sa kapangyarihan.
"Bilang simbahan dapat ba tayong makisangkot sa adbokasiyang ito?" Tanong ni Bro. Steven " Ayon sa ating pangarap ng diyosesis ng imus, na tayong mga dukha ay may pananagutan at pakikisangkot."
Higit kumulang 50 mula sa iba t ibang parokya ng Distrito ng San Juan ang dumalo sa D1L1 Orientation. Inilatag ng ministri ang mga strategy upang mapalawak ang kampanya, kabilang ang pakikipag-usap nang direkta sa mga mamamayan, pagtatalaga ng mga araw ng pagpirma sa bawat parokya at sa mga komunidad, at mas masiglang pagpapalaganap ng tamang impormasyon. Ang iba pang mahahalagang anunsyo ay ipopost saFacebook Page ng Ministry sa Pagmamalasakit sa Bayan.
Pagkatapos ng pagtalakay, isinagawa ang aktuwal na pagpirma at gayundin itinuro sa mga dumalo ang wastong paraan ng paggsubmit ng pirma sa pamamagitan ng internet.
Natapos ang programa sa pamamagitan ng panghuling mensahe at panalangin ni Rev. Fr. Ronel Ilano