Ministri sa mga Migrante Pastoral Planning 2027, Matagumpay na Naisagawa

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Ministri sa mga Migrante Pastoral Planning 2027, Matagumpay na Naisagawa

October 09, 2026 by Diocesan Media

Matagumpay na isinagawa ng Ministri sa mga Migrante ang kanilang Annual Pastoral Planning & Budgeting 2027 noong Oktubre 6, 2026, sa Pope John XXIII Hall, Tahanan ng Mabuting Pastol (TMP), Lungsod ng Tagaytay. 

Sa pangunguna ni Reb. Padre Diony Vargas Palingping, Priest Animator ng Ministri sa mga Migrante, dinaluhan ng mga kasapi ng Executive Committee (ExeCom) ang maghapon na pagpupulong upang suriin ang mga programa at ilaan ang kailangang badyet para sa paglilingkod sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), lokal na migrante, at sa kanilang mga pamilya.

Naging sentro ng talakayan ang Listening Circle gamit ang metodolohiyang See–Judge–Act, kung saan pinakinggan at kinilala ang kasalukuyang kalagayan ng mga migranteng pinaglilingkuran, pinagnilayan ang mga pangunahing usapin at hamon, at bumuo ng mga konkretong tugon at mga susunod na hakbang.

Nagtapos ang aktibidad sa isang Group Planning Workshop, paglalagom ng mga plano, at pangwakas na panalangin para sa patuloy na pastoral na paggabay sa mga pamilyang migrante.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6