Searching...
Published at: 2025-09-06 05:56:02
Nagkaroon ng Alighnment Meeting ang Ministri sa Bokasyon ng Diyosesis ng Imus ngayong araw (ika-6 ng Setyembre, 2025) sa Tahanan ng Mabuting Pastol. Ito ay dinaluhan ng ilang mga kinatawan mula sa iba't ibang parokya. Tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga sumusunod: Mga gawain ng Ministri sa Bokasyon ayon sa DPPE; mga programa sa kasalukuyan at sa mga darating na araw at buwan; at iba pa. Nagtapos ang pagpupulong sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa kapilya ng Tahanan ng Mabuting Pastol.
Hangad ng Ministri sa Bokasyon na mas marami pang makisangkot sa mga gawain nito.
Published at: 2025-09-04 05:35:05
LUNGSOD NG TAGAYTAY, CAVITE — Tagumpay na naisakatuparan sa Diyosesis ng Imus ang pagsisimula ng Panahon ng Paglikha o Season of Creation, kasabay ang pagtawid sa Makakalikasan Month, na may paksang "Jubilee of Ecology Ministers: Peace with Creation," noong Agosto 30, Sabado, sa SVD Laudato Si Farm sa lungsod na ito.
Ginanap ang pagdiriwang bilang bahagi ng patuloy na programa ng ating Diyosesis ngayong Taon ng Hubileo sa pangunguna ng Ministri sa Kalikasan (Diocese of Imus - Ministry on Ecology, o DIMEc) kasama ang kanilang priest animator, Reb. P. Miguel Concepcion III, at mga katuwang ng ministri mula sa iba't-ibang parokya.
Binuksan ang Panahon ng Paglikha sa anunsyo ng obispo ng Imus, Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, sa ika-6:15 ng umaga, bago ibigay ang huling pagbabasbas sa Banal na Misang pinangunahan niya kasama si Padre Concepcion at mga kasamang pari mula sa ating Diyosesis at sa Society of the Divine Word (SVD).
Sinabi ni Bishop Evangelista sa kanyang pagbabahagi sa homilya na "nawawala ang kapayapaan dahil may mga abuses. Alagaan natin ang kalikasan. Kung bakit may abuses? Something wrong with our mind, with our heart. At saan nagmumula ang abuses na ito? Pera. Sa pera."
Bago ang Misa ay nag-umpisa ang programa sa ika-4 ng umaga sa pamamagitan ng isang maringal na prusisyon kasama ang orihinal at mapaghimalang imahen ng Serapikong Ama ng Malabon (ngayon ay Lungsod ng General Trias) na si San Francisco de Asis, mas kilala bilang "Tata Kiko" at kinikilala bilang Patron ng Ekolohiya.
Sinundan ang Banal na Misa ng pagsasalo sa isang munting agahan, at pagkatapos ay ang pamimigay ng DIMEc materials and resources, gayundin ang pagsusumite ng mga plano at programa ng bawat parokya para sa Panahon ng Paglikha. Nagbigay din ng keynote address sa makabuluhang programang ito si Asst. Prof. Jonathan "Ethan" Hernandez mula sa Department of Forest Biological Sciences ng College of Forestry and Natural Resources sa Unibersidad ng Pilipinas - Los Baños.
Nagtapos ang programa sa sama-samang pag-indak ng Karakol ng mga nagsipagdalo sa diwa ng pananampalataya kaisa ang imahen ni San Francisco de Asis ng Malabon.
Maituturing na isang makabuluhang pagdiriwang ang naisagawa mula sa Kalikasan at para sa Kalikasan dahil kapit-bisig sa pananampalataya, pagkakaisa, at pagtindig ang buong Diyosesis ng Imus. Inaasahang magsisilbing halimbawa si San Francisco de Asis ng Malabon sa pangangalaga sa kalikasan dahil itinuturing ang bawat isa bilang pag-asa ng Bayan at ng Inang Kalikasan. (Ulat mula kay Binea Jeverly C. Antang, SOCCOM — Diocese of Imus)
_____________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
YouTube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#SeasonOfCreation2025 #MakaKalikasan2025 #Jubilee2025 #LakbayPagAsa #PilgrimsofHope #DioceseOfImus
Published at: 2025-09-02 03:35:30
Sa masiglang pagdiriwang noong Agosto 9, 2025, sumiklab ang liwanag ng pananampalataya sa ika-5 taunang kapistahan ng Parokya ni Sta. Candida Maria de Jesus. Tampok sa selebrasyon ang Misa Concelebrada, Misa Pasasalamat, at isang maringal na prusisyon na nagpatibay sa ugnayan ng komunidad sa pananampalataya.
Dinaluhan ang mga aktibidad ng mga pari mula sa Diyosesis ng Imus at iba pang lugar, kasama ang mga organisasyon, chapel communities, at mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng komunidad.
Pinangunahan ni Lubhang Kagalang-galang Bishop Reynaldo G. Evangelista ang Misa Concelebrada, kung saan kaniyang ibinahagi:
“Tayo ay mga manlalakbay patungo kay Hesus, Siya ang ating destinasyon. Tayo ay mga manlalakbay na umaasa sa Diyos at kalakbay natin ang ating patrona, si Sta. Candida Maria De Jesus.”
Bilang pagtatapos ng misa, isinagawa ang pag-iinsenso sa imahe ni Sta. Candida, kasabay ng pag-awit ng himno para sa patrona at pagbibigay-pasasalamat sa lahat ng naging katuwang ng parokya sa matagumpay na selebrasyon.
Sa hapon, pinangunahan naman ni Rdo. Pd. Mayolene Joseph G. Mayola, kura paroko ng Parokya ni Sta. Candida Maria de Jesus, ang Misa Pasasalamat. Binigyang-diin niya ang taos-pusong pagpapahalaga sa mga naglilingkod sa parokya at sa patuloy na debosyon ng mga mananampalataya.
Sinundan ito ng isang maringal na prusisyon na umikot mula sa simbahan patungong Ciudad Nuevo Phase 4 at Phase 5, bago muling bumalik sa parokya. Matapos ang prusisyon, isinagawa ang panalangin at pag-iinsenso sa imahe ni Sta. Candida bilang hudyat ng pagsasara ng pagdiriwang.
Sa temang “Santa Candida: Kapanalig at Kalakbay ng mga Umaasa sa Diyos,” ang kapistahan ngayong taon ay nagsilbing paalala na sa gitna ng bawat paglalakbay at pagsubok, patuloy na nagniningning ang liwanag ng pananampalataya sa gabay ng mahal na patrona.
(Ulat ni Jharmella H. Bartiana. Mga piling larawan mula sa MPK ng Sta. Candida de Jesus.)
Published at: 2025-09-02 03:25:42
Noong ika-8 ng Agosto 2025, matagumpay na ginanap ang taunang Karakol ng Parokya ng Santa Candida Maria de Jesus bilang paggunita sa kapistahan ng mahal na patrona. Lumahok ang iba't ibang Chapel Community bilang pagpapakita ng kanilang debosyon at pagmamahal kay Santa Candida.
Binagtas ng prusisyon ang mga kalsada ng Ciudad Nuevo Phase 5, Phase 4, Phase 2, at nagtapos sa Phase 1 Covered Court. Sa bawat hakbang at indak, masiglang inalay ng mga deboto ang kanilang Sayaw Pasasalamat—isang makulay na pagsasayaw bilang tanda ng pasasalamat at pananampalataya.
Sa huling bahagi ng selebrasyon, ipinamalas ng bawat komunidad ang kanilang mga talento sa sayaw bilang alay ng papuri at pasasalamat sa patrona. Naging simbolo ito ng pagkakaisa, pananampalataya, at masiglang espiritu ng komunidad.
Ang Karakol ay bahagi ng taunang tradisyon ng parokya tuwing kapistahan ni Santa Candida. Layunin nitong patatagin ang ugnayan ng bawat miyembro ng komunidad sa pananampalataya at sa isa’t isa.
Sa temang “Santa Candida: Kapanalig at Kalakbay ng mga Umaasa sa Diyos,” muling pinagtibay ng parokya ang pananalig nito. Sa kabila ng mga hamon ng panahon, nananatiling buhay ang debosyon at pagkakabuklod ng mga mananampalataya.
(Ulat ni Jharmella H. Bartiana. Mga piling larawan mula sa MPK ng Sta. Candida de Jesus.)
Published at: 2025-08-27 03:53:36
A Gateway to a Lifetime Journey!
With great joy, we announce that Our Lady of the Pillar Seminary is now open for admission!
Schedule:
Monday to Friday: 8:00 AM – 5:00 PM
Saturday: By appointment
For inquiries or to schedule an entrance examination (Open for incoming SHS Grade 11 / Pre-College / College Graduate), you may reach us through:
Our Lady of the Pillar Seminary / Ministri sa Bokasyon FB Page
You may also directly contact:
Rev. Fr. Romel Lagata – Vocation Animator, Diocese of Imus
Come, be one of us!
Published at: 2025-08-23 04:04:50
Congratulations to Most Rev. Jose Alan V. Dialogo, Bishop of Sorsogon, as the newly elected Chairman of the Episcopal Commission on Family and Life.
#CBCPnews, #MInistriSaPamilyaAtBuhay, #DiyosesisNgImus
-----------------------------------------------------
Follow our official social media accounts:
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
YouTube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
Published at: 2025-08-23 03:54:56
Congratulations, Most Rev. Socrates C. Mesiona, Apostolic Vicar of Puerto Princesa and the newly elected Chairman of the Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People
#CBCPnews, #MInistriSaMgaMigrante, #DiyosesisNgImus
-----------------------------------------------------
Follow our official social media accounts:
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Published at: 2025-08-11 06:26:19
𝐏𝐀𝐑𝐈𝐒𝐇 𝐕𝐎𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐄𝐍𝐂𝐎𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑 | 𝐓𝐔𝐆𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐎𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍
BACOOR CITY, CAVITE (Agosto 9, 2025) - Ang parish vocation encounter ay naganap sa Our Lady of Fatima Parish, Molino, Bacoor City, Cavite sa Woodridge College.
Narito ang pagbabahagi ng punto ni Bro. Frater Brent Joshua A. Generoso, MSP sa pagtatalakay ng Vocation Encounter bilang bahagi ng programa ng Tugon sa Bokasyon. "𝑀𝑎𝑛𝑎𝑙𝑖𝑔 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑖𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑛𝑎𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑡𝑢𝑚𝑢𝑔𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑡𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛."
Maisariwa nawa ng bawat isa ang pananalig at pagtitiwala upang patuloy na makatugon sa tawag ng Mabuting Pastol mula sa iba't ibang uri ng pagtugon sa bokasyon, na kay Kristo lamang patutungo. (Ulat at mga larawang kuha ng OLFP Molino Ministry on SocCom )
#BokasyonAyBiyaya #VOCATION2025 #ParishVocationEncounter #ILoveBokasyon #DioceseOfImus
Published at: 2025-07-23 15:51:35
The annual clergy retreat of the Diocese of Imus was held on July 14 to 18, 2025 at the Carmelite Missionaries Center of Spirituality, Tagaytay City.
(Pictures taken by Fr. Mayolene Joseph G. Mayola)
#Jubilee2025 #LakbayPagAsa #PilgrimsofHope #DioceseOfImus
Follow our official social media accounts:
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
Published at: 2025-07-23 15:06:52
𝗩𝗶𝗰𝗮𝗿𝗶𝗮𝘁𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟱 ng Vicariate of Our Mother of Perpetual Help Youth Ministry noong 𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟭𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟱 na ginanap sa 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗜𝗺𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵, 𝗦𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗴, 𝗗𝗮𝘀𝗺𝗮𝗿𝗶𝗻̃𝗮𝘀 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗖𝗮𝘃𝗶𝘁𝗲 bitbit ang temang “𝘾𝙖𝙧𝙧𝙮𝙞𝙣𝙜 𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩’𝙨 𝙇𝙞𝙜𝙝𝙩, 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙃𝙤𝙥𝙚” katuwang ang anim na raang kabataan mula sa siyam na parokya ng bikaryato kaisa ang iba't ibang kongregasyong sumama sa VYAheng Pag-asa.
Isang malugod na pagbati mula sa ating diyosesis ang inyong makabuluhang pagdiriwang ng VYAheng Pag-asa sa inyong bikaryato kasama ang mga kabataang patuloy na sumasama sa VYAhe tungo kay Kristo. Sa inyong pagpapamalas ng pagkakaisa at pananampalataya dala ang pag-ibig at pag-asang kay Kristo'y nagmula. Nawa'y sa nagdaang pagdiriwang na ito lalo't higit ngayong Taon ng Hubileo ay magdala ng walang hanggang pag-asa at biyaya sa bawat isang tumutugon at nakikilakbay sa pagmimisyon para kay Hesus. Patuloy nawa kayong patnubayan ng ating Mahal na Ina, Patrona ng ating Diyosesis, Nuestra Señora Del Pilar. (Ulat at larawang kuha ni Rusty Recentes, SocCom Ministry - Diocese of Imus)
#VYA2025 #YouthAssembly2025 #VOMPHYM #LakbayPagAsa #Jubilee2025 #PilgrimsofHope #DioceseOfImus
Follow our official social media accounts:
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#Jubilee2025 #LakbayPagAsa #PilgrimsofHope #DioceseOfImus
Published at: 2025-07-22 17:19:05
DASMARIÑAS CITY, CAVITE (Hulyo 19, 2025) - Buong galak na sinalubong ng parokya ng San Pablo Apostol sa Langkaan ang "Krus ng Pag-Asa (Jubilee Cross 2025). Ang banal na Krus ay iniikot sa mga parokya ng bikaryato ng Inmaculada Conception bilang bahagi ng pagdiriwang ng "Maka-Diyos Month" sa Diyosesis ng Imus.
Nagsimula sa pagdarasal ng Banal na Rosaryo ang sambayanan ng Langkaan habang inaabangan ang Jubilee Cross mula sa Ang Mabuting Pastol Parish. Sa pamumuno ni Rdo. Padre Nestor P. Chavez, Kura Paroko ng nasabing parokya, dinasal ang panalangin ng pagtanggap kasunod ang Banal na Misa. Bukas ang simbahan maghapon para sa mga nagnanais magbigay parangal sa Krus.
Hulyo 20, 2025 (Linggo) - sa bawat Misa ay isinagawa ang katekesis tungkol sa Hubileyo ng Pag-Asa at indulhensiya. Ang "Confessio Peccati" o ang sektoral na pag-amin sa mga kasalanan at paghingi ng tawad sa Diyos ay taimtim na isinagawa ng mga lingkod-simbahan noong Lunes, Hulyo 21. Samantala, nakatakda namang mag-ikot ang Banal na Krus sa mga pamayanan sa pamamagitan ng motorcade ngunit naging sagabal ang malakas na ulan dulot ng bagyong Dante.
Ang mga susunod na gawain para sa Krus ng Pag-asa ay Taize prayer (Hulyo 23), pagbisita sa mga may-sakit at feeding program na may kasamang katekesis para sa mga bata (Hulyo 24). Sa ikapitong araw, magkakaisa ang sambayanan sa pagdalo ng Banal na MIsa, at isusunod ang Banal na Oras (Hulyo 25).
Ihahatid ang Krus ng Pag-asa sa Our Lady of the Miraculous Medal Parish, Amuntay sa Hulyo 26, 2025, 3:00 ng hapon.
(Ulat ni Tina V. Santos, SocCom - Diyosesis ng Imus; mga larawang kuha ni Vincent Mendoza at John Renz Lazo, DOI SocCom Jubilee Team)
(Para sa iba pang mga larawan, tignan sa gallery section)
-----------------------------------------------------
Follow our official social media accounts:
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
YouTube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#DioceseOfImus
Published at: 2025-07-14 13:46:12
Nagdaos ang Vicariate of St. Joseph ng Family and Life Orientation at Pre-Cana Facilitators' Training para sa 5 parokyang nasasakupan nito. Ito ay naganap noong Hulyo 12, 2025 sa Parokya ng San Jose Manggagawa.
Ito ay dinaluhan ng 72 lingkod-simbahan mula sa iba’t ibang ministri at organisasyon.
Ang Family and Life Ministry Core Group mula sa Diocese of Imus ay nakiisa, nagbahagi ng kanilang kaalaman at mga karanasan upang magbigay inspirasyon sa pagbuo at pagpapalakas ng Family and Life Ministry sa bawat parokya.
Lubos po ang aming pasasalamat sa Vicar Forane ng St. Joseph at Parish Priest ng San Jose Manggagawa, Rev. Fr. Alfred Maramara, sa kanyang suporta at basbas sa mga nagsidalo sa nasabing gawain. (Ulat at larawang kuha ni Cherry Reyes)
Follow our official social media accounts:
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
YouTube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#DioceseOfImus
#FamilyAndLIfeMInistry
Published at: 2025-07-08 02:13:11
Last June 29, the Holy Trinity Parish - Bacoor joyfully celebrated the Investiture and Renewal Rites of the Social Communications and Media Ministry.
This meaningful occasion welcomed 11 new members, symbolized by white attire (at the back), and honored the renewal of commitment from 15 existing members, represented in black shirt (with 3 members not present in the photo).
Together, they reaffirm their pledge to serve the Church and community by spreading the Good News through media and other forms of communication. With hearts full of gratitude and purpose, they embrace their mission of evangelization, guided by faith, creativity, and unity.
#DioceseOfImus #TheHolyTrinityParish #SocComMinistry #MPK
For more news visit: https://www.facebook.com/HolyTrinityParishSNBC
Published at: 2025-07-08 01:13:40
𝙋𝙧𝙖𝙮𝙚𝙧𝙛𝙪𝙡 𝘾𝙤𝙣𝙜𝙧𝙖𝙩𝙪𝙡𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨, 𝘽𝙞𝙨𝙝𝙤𝙥 𝙍𝙚𝙮!
Mula sa sambayanang Kabitenyo, isang taus-pusong pagbati ang ipinapaabot natin sa ating minamahal na Obispo, Lubhang Kagalang-galang Reynaldo G. Evangelista, D.D., sa kanyang bagong tungkulin bilang Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care. [Term of office: December 1, 2025 - November 30, 2027.]
Kaisa po kami ng buong Simbahan sa pagpapahayag ng aming suporta at panalangin para sa matagumpay ninyong paglilingkod sa bagong misyong ito.
Mabuhay po kayo, Bishop Rey!
[Source: CBCP News, https://www.facebook.com/cbcpnews/posts/pfbid0svJhWHegz3geuF6ajdURY8X5fyUUY2ERsZcJjqPq1oVoj49pzYEhH5S9UD8wZC4hl ]
________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#DioceseOfImus #Jubilee2025
Published at: 2025-06-21 05:20:29
PPCRV - Diocese of Imus
VOLUNTEERS' THANKSGIVING MASS
presided by our Bishop Reynaldo G. Evangelista, D.D.
June 5, 2025 | 9:00am
Our Lady of the Pillar Seminary,
Buhay na Tubig, Imus City
Taos pusong nagpapasalamat si Rev. Fr. Serafin Parcon, Priest animator ng Ministri sa Pagmamalasakit sa Bayan, sa lahat ng nakibahagi at nag-alay ng sarili, mula sa iba’t ibang parokya noong nagdaang mid-term election 2025. (Ulat ni Aubrey Barreda - Diocese of Imus SocCom, Larawang kuha ni Marco Acosta)
Follow our official social media accounts:
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#Jubilee2025 #LakbayPagAsa #PilgrimsofHope #DioceseOfImus
General Castañeda St, Pob-1A
City of Imus, Cavite, 4103
Email: [email protected]
Phone: (046) 471-2786