NUESTRA SEÑORA DEL PILAR DE IMUS
Our Lady of the Pillar of Imus (Spanish: Nuestra Señora del Pilar de Imus) is a venerated image of the Madonna and Child atop a pillar venerated in Imus, Philippines. It is enshrined in the cathedral as the patroness of the Diocese of Imus. The image was granted a canonical coronation by Pope Benedict XVI via a pontifical decree in 2011. The coronation was executed on 3 December 2012 in celebration of the golden jubilee of the Diocese of Imus as decreed by Pope John XXIII via his papal bull "Chisti Fidelis".
Imus was formed part of the Hacienda de Imus owned by the Recollect Fathers in 1686. These include the Encomienda de Binakayan (Binakayan, Kawit) and Perez Dasmariñas (Dasmariñas) which is a former barrio of Imus. Like Cavite City (originally called Cavite La Punta) and Noveleta, Cavite (La Tierra Alta), the Hacienda de Imus (now Imus) used to be a barrio of Cavite el Viejo (now Kawit, Cavite), whose parish church was built by the Jesuits during the administration of Manila archbishop Garcia Serrano from 1618 to 1629. For more than a century and a half the people of Imus had to endure walking or traveling 4.5 kilometers of dirt road to attend religious services or transact official business in Cavite el Viejo. The difficulty of communication between Imus and Kawit was long-standing complaint of the Imuseños until another religious order, the Order of Augustinian Recollects, as a consequence to the British occupation of Manila in 1762, established a parish church in Imus, in what now known as Bayang Luma (now Bayanluma).
However, the church was far from the estate house acquired by the Recollect corporation, and when the church was destroyed by a strong typhoon in September 1779, the Recollect friars transferred it to Barrio Toclong and then finally to Sitio de Balangon, now the present site of the church. In 1769, the workers of the hacienda together with the cabezas de barangay completed the relocation of their houses into a reduccion. The reduccion was a process of resetting the people near the church called Bajo de Campanas to facilitate the evangelization of the people and also to put them under the control of the Spanish authority. The people who refused to live within the reduccion were called taong labas which often had the connotation of being lawless people. With the establishment of the Recollect church the people of Imus gained their religious emancipation from the Jesuit-run parish of Cavite el Viejo. The Recollects, however, would not be contented with the little victory. In 1774, Racollect Fary Pedro San Buenaventure, ORSA, petitioned the government to "separate the inquilinos of Imus from the political jurisdiction of the government of Cavite el Viejo". After a considerable time of waiting, the petition was granted and Imus became an independent municipality on 3 October 1795 (nine days before the Feast of Nuestra Señora del Pilar).
Pope Benedict XVI acknowledged the petition of the miracles claimed by devotees in 2011, authorizing the coronation of the image via a papal bull. The canonical coronation was carried out on 3 December 2012 in Imus Cathedral by Cardinal Luis Antonio Tagle in celebration of the golden jubilee of the diocese.
Click here to watch the video on Facebook.
Click here to watch the 10th Anniversary of the Canonical Coronation on Facebook.
Isinulat ng Lubos na kagalang-galang Luis Antonio Gokim Tagle
Sino akong inatasang sa iyo ay bumati?
Di ako Anghel Gabriel na malinis ang labi.
Aba kong iaalay pagsintang natatangi
Puso kong nangangamba, aawitan kang lagi.
Magalak ka O Maria, Diyos ay sumasayo.
Pinagpala ng Ama, puspos ng Espiritu Santo,
Ina ng Diyos Anak, aming Poong Hesukristo,
Ina ka rin naming naglalakbay sa mundo.
Kasaysayang makulay ng Imus naming bayan.
Lagi kang kasama, Inang aming sandigan.
Nuestra Senora del Pilar kung ika'y turingan.
Kay sarap sambitin, matamis mong ngalan.
Taong tatlumput-siyam sa bansa ng Espanya,
Misyon ni Santo Santiago tila walang binubunga.
Sa kadiliman ng lumbay, ano't bigla niyang nakita
Isang haligi sa langit, nakaluklok, Ikaw Ina.
Haligi'y buhat-buhat ng anghel na maririkit.
Tinawid mo ang dagat mula sa bayang Nazaret
Upang ang puso ni Santiagong nababalot ng sakit
Madulutan ng lakas, mapawi ang pait.
Tulad ng 'yong pagdalaw kay Elisabet na pinsan,
Apostol ni Hesukristo, iyo ring dinamayan.
Bilang ina't kapanalig, siya'y yong binalaan:
Pagsusugo ni Kristo, di dapat talikuran.
Salamat Inang mahal, Apostol ay nagising.
Bumangong buong sigla sa pagtulog na mahimbing.
Salamat O Haligi, si Maria'y nakarating
Sa mahina at pagod upang siya'y palakasin.
Sino Ka, O Haliging naghatid kay Maria?
Sino Ka, O Haliging liwanag ang sadyang dala?
Ikaw kaya ang ulap at apoy na nanguna
Sa bayang Israel patungo sa pag-asa?
Ikaw nga mahal na Diyos ang Dakilang Haligi
Sa dukha at mahina, Saligang mabuti.
Simbahan ni Kristo, Iyong kinakandili
Nang sa katotohanan, lagi itong manatili.
Sa iyong kapistahan, Nana Pilar Ina namin,
Huwag kang magsasawa na kami ay dalawin.
Huwag ka lang daraan, manatili ka na rin.
Nang ang haligi mo'y makapiling tuwina namin.
Turuan mo kami, O Inang sinisinta.
Lumapit at dumalaw sa sugatan at aba.
Kung kami'y matutuksong misyon nami'y limutin na
Hamunin mo kami, bigyang alab at sigla.
Sa Diyos Amang Haligi na humirang kay Maria,
Sa Espiritung Haligi na lumukob sa kanya,
Sa Haliging si Hesus ang dakilang anak niya,
Sa Panginoon ng buhay, pagpupuri't pagsamba. Siya nawa!
Ama naming makapangyarihan,
ipagkaloob Mo sa amin ang lakas
upang alalayan kaming mahihina.
Pakundangan sa Mahal na
Birhen del Pilar, palakasin mo
ang aming pananampalataya,
patatagin ang aming pag-asa
at pag-alabin ang aming pag-ibig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan,
Ama namin...
Aba Ginoong Maria...
Luwalhati...
MAHAL NA BIRHEN DEL PILAR
Aming lakas at kagalakan
Ipanalangin mo kami!
+Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
𝗣𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝘀𝗶
Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo,
sinasampalatayanan ko
at
pinanaligan ko na Ikaw po ang Diyos ko at Panginoong walang hanggan ang
kagalingan;
kaya
nga iniibig Kita ng lalo sa lahat at pinagsisihan ko ng buong kataimtiman ang
mga
pagkakasala ko sa Iyo. Ako’y natitikang matibay na di na muling magkakasala,
pakundangan
sa iyong mga hirap, sakit at pagkamatay sa krus at alang-alang pa rin sa iyong
kalinis-linisang Ina na ninanasa kong alayan ng aking mga dalangin at pagpupuri
sa
pagsisiyam na ito. Siya nawa.
𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄-𝗮𝗿𝗮𝘄
Kalinis-linisang Birhen at mapagkandili naming Ina at Patrona, Nuestra Señora
del
Pilar,
buhat sa aming abang kalagayan at pagkakasadlak sa kasalananan ay
ipinagmamakaamo
namin
sa iyo na pagdalitaang dinggin ang aming mga karaingan at tapunan kami ng sulyap
ng
mata
mong maawain. O Batis ng awa, marapatin mo pong dinggin ang pagsisiyam naming
ito
upang
maging daan ng ipagtatamo namin ng iyong masaganang biyaya, hindi lamang para sa
aming
katawan, kundi lalung-lalo na para sa aming mga kaluluwa, para sa
ipagbabalik-loob
ng
mga makasalalan at ikapapanuto nitong aming bayan, alang-alang sa walang
hanggang
kaluwalhatian ng Diyos. Siya Nawa.
𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘄𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄-𝗮𝗿𝗮𝘄
O Maria, dakilang Reyna ng Langit at Lupa, Marilag na Patrona ng aming bayan, at
Ina
naming kaibig-ibig, tanggapin mo po at marapating ipamagitan sa iyong anak na si
Jesus
at sa Diyos Ama ang aming mga kahilingan, na ang mga aral ni Kristo at ang iyong
mga
kabanalan ay siyang maghari at masunod sa aming sariling pamumuhay, sa aming mga
angkan
at tahanan, sa mga lipunan at paaralan, sa liwasan at sa lahat ng dako at ang
tunay
na
kapayapaan ay matamo namin sa buhay na ito at sa buhay na walang hanggan.
•Ipanalangin mo kami Oh Inang Birhen del Pilar
•Nang kami’y maging karapat dapat na magkamit ng mga pangako ni Jesukristo.
𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡
Walang hanggan at makapangyarihang Diyos, yamang inyong minarapat itulot na ang
inyong
Mahal na Ina, nang nabubuhay pa, ay lumuklok sa tatlong koro ng mga angheles at
tumuntong sa haliging marmol alang-alang sa pagsaklolo sa amin; ipagkloob mo
nawa,
Panginoon namin, na sa kanyang mga karapatan at mabisang kandili ay makamtan
namin
ang
mga kahilingan; alang-alang kay Jesukristo na aming Panginoon.
Siya Nawa.
Mahal na Birhen Del Pilar, aming lakas at kagalakan, Ipanalangin mo kami.
+Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen
¡VIVA LA VIRGEN!
¡VIVA NUESTRA SEÑORA DEL PILAR!
¡VIVA NANA PILAR!
O Birhen naming mahal,
Patrona ng aming bayan
Ikaw ang kadahilanan
Nitong aming pagdiriwang
Kaya kami'y dumudulog,
Dinadalangin 'yong kupkop
Tulungan mo kami't tingnan,
Ina ng Diyos, del Pilar!
Tulungan mo kami't tingnan,
Ina ng Diyos, del Pilar!
O Haligi ng kaligtasan,
Pag-asa ng aming buhay
Huwag mo kaming pabayaang
Magapi ng kasamaan
Sa aming pangangailangan,
Pangkaluluwa't pangkatawan
Tulungan mo kami't tingnan,
Ina ng Diyos, del Pilar!
Tulungan mo kami't tingnan,
Ina ng Diyos, del Pilar!
O Mahal na Birhen,
Ina ng Diyos, del Pilar!
General Castañeda St, Pob-1A
City of Imus, Cavite, 4103
Email: [email protected]
Phone: (046) 471-2786