Pistang San Miguel 2026; Ipinagdiwang sa Bacoor

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Pistang San Miguel 2026; Ipinagdiwang sa Bacoor

September 29, 2026 by Diocesan Media

BACOOR, CAVITE — Ipinagdiwang noong Setyembre 29, 2026 ang kapistahan ni San Miguel Arkanghel pamamagitan ng isang Misa Concelebrada na pinangunahan ni Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus.

Dinaluhan ng mga mananampalataya at deboto ang banal na misa bilang pagpapahayag ng kanilang pananampalataya at debosyon kay San Miguel Arkanghel.

Naging tampok din sa pagdiriwang ang pagbibigay ng medalyon sa mga paring naging katuwang ng parokya sa mga nakalipas na taon. Sa pamamagitan nito, kinilala at pinasalamatan ang kanilang tapat na paglilingkod, pakikiisa, at ambag sa buhay-pananampalataya ng pamayanan.

Binigyang-halaga rin sa pagdiriwang ang pakikiisa ng buong komunidad sa kapistahan. Sa pagtatapos ng mga gawain, nagpaabot ng pasasalamat si Bro. Arthur Bernardo Castor, Hermano de San Miguel 2026, sa lahat ng mga indibidwal, deboto, at mga paring nakiisa at naging bahagi ng pagdiriwang.

Ang Pistang San Miguel 2026 ay nagsilbing pagkakataon upang higit na mapagtibay ang pananampalataya at pagkakaisa ng pamayanan, habang patuloy na hinihiling ang paggabay at pamamagitan ni San Miguel Arkanghel.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6