Masiglang Paggunita sa Ika-40 National Migrants’ Sunday ng Diyosesis ng Imus

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Masiglang Paggunita sa Ika-40 National Migrants’ Sunday ng Diyosesis ng Imus

September 28, 2026 by Diocesan Media

TRECE MARTIRES CITY, CAVITE — Setyembre 25, 2026. Maagang nagtipon ngayong araw ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang parokya ng Diyosesis ng Imus sa San Gregorio Magno Parish, Trece Martires City, para sa pagdiriwang ng Ika-40 National Migrants’ Sunday.
‎
‎Mula 7:00 ng umaga, naging masigla ang lugar sa pagdating at pagpaparehistro ng mga kalahok. Sa kabila ng maagang oras, kapansin-pansin ang kanilang sigla at pananabik na makiisa sa isang araw ng panalangin, pagninilay at pakikipagkapwa para sa mga migranteng kapatid at kanilang mga pamilya.
‎
‎Sinimulan ang programa sa Morning Prayer at Banal na Rosaryo, na pinangunahan ni Lorna Ilustre kasama ang ExeCom, bilang paghahanda ng puso at diwa ng mga kalahok sa buong pagdiriwang.
‎
‎Sinundan ito ng paghahanda para sa Banal na Eukaristiya at final assembly bago ganap na simulan ang Concelebrated Holy Eucharist sa ganap na 9:00 ng umaga, sa pangunguna ni Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus.
‎
‎Matapos ang Banal na Misa, nagkaroon ng Healthy Break at Fellowship kasama ang kabataan ng San Gregorio Magno Parish.
‎
‎Nagpatuloy ang programa sa Opening Remarks ni Rev. Fr. Diony Vargas Palingping, Priest Animator ng Ministry for Migrants, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagsama at paglilingkod ng Simbahan sa mga migranteng kapatid.
‎
‎Sinundan ito ng pagpapakilala sa resource speaker ni Cherry T. Reyes, Pastoral Family and Life Officer, bago ibinahagi ni Sr. Ruth Baguinon, SDS, Executive Director ng SPCC, ang kanyang mensahe at pagninilay para sa mga kalahok.
‎
‎Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, muling nabibigyang-halaga ang tinig at kuwento ng mga migrante—at ang paanyaya sa bawat isa na maging bahagi ng isang Simbahang nakikinig, nakikiramay, nagsasama at kumikilos para sa dignidad ng bawat migranteng kapatid.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6