GMA, Cavite — Isinagawa ngayong Setyembre 23, 2026, sa San Jose Manggagawa Parish, GMA, Cavite ang ikapitong module ng Pastoral Care Volunteer Training (PCVT) ng Ministri sa mga May Karamdaman.
Dinaluhan ito ng mga pastoral care volunteer na patuloy na hinuhubog sa pagbibigay ng presensya, pakikinig, at malasakit sa mga may karamdaman. Tinalakay sa PCVT Module 7: “How to Visit Pediatric Patients” ang mga mahahalagang prinsipyo at wastong pamamaraan sa pagbisita sa mga batang pasyente. Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging maingat, maunawain, at angkop sa edad ng bata sa pakikipag-usap at pagbibigay ng pastoral na suporta.
Layunin ng pagsasanay na ihanda ang mga pastoral care volunteer sa mas maayos at makataong paglilingkod, lalo na sa mga batang nangangailangan ng kalinga at presensya sa panahon ng karamdaman.