Tagaytay, Cavite — Ginanap noong Setyembre 19–20, 2026 ng Diocesan Prison Ministry of Imus ang kanilang banal na pagsasanay na may temang “In Silence We Listen” at “Speak, Lord, for Your servant is listening” na hango sa 1 Samuel 3:10. Ito ay ginanap sa CBCP Caritas Imus.
Ito ay dalawang araw na retreat na hitik sa panalangin at magagandang pagninilay. Sa Talk 1, ibinahagi ni Rev. Fr. Thomas Tabada, CRSP ang “In Silence, We Listen,” kung saan tinalakay na sa katahimikan, mas naririnig natin ang Diyos.
Sa Talk 2 naman, tinalakay ni Sr. Salome Gomonit, USAHJ ang “Beyond Bars: Love Knows No Walls,” kung saan ibinahagi ang mga kuwento, aral, pagibig at pagbibigay ng sarili para sa mga bilanggo maging ang pangarap ng Diyos sa atin.
Sinariwa sa bawat talk ang mga biyaya, maging ang mga pagsubok sa naturang ministri.
Binibigyang-importansya sa mga ganitong pagsasanay ang kahalagahan ng kanilang misyon sa loob ng bilangguan. Sa karanasan ng mga nasa bilangguhan, sa kanilang katahimikan, kalungkutan, at pagyakap sa kani-kanilang krus, kasama si Hesus.