Kapistahan ni Nuestra Señora dela Merced, Ipinagdiwang sa Parokya ng Banal na Santatlo sa San Nicolas II Bacoor

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Kapistahan ni Nuestra Señora dela Merced, Ipinagdiwang sa Parokya ng Banal na Santatlo sa San Nicolas II Bacoor

September 25, 2026 by Diocesan Media

BACOOR, CAVITE - Dinaluhan ng mga mananampalataya ng Parokya ng Banal na Santatlo sa Barangay San Nicolas II ang kapistahan ng kanilang Patrona, ang Nuestra Señora dela Merced de Bacoor.

Ginanap kahapon Setyembre 24, 2026, ang Misa Concelebrada, sa oras na ika-5 ng hapon. Ang Banal na Pagdiriwang na ito ay pinangunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Imus, Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., kasama ang kura-paroko ng parokya na si Rev. Fr. Ariel M. Lisama.

Ibinahagi sa homiliya ng obispo ang debosyon ng Mahal na Birhen ng dela Merced na nagsimula pa noong 13th Century o taong 1223 sa espanya nang dahil maraming tao ang naging alipin ng mga muslim at dito rin naitatag ang Mercedarians nina San Pedro Nolasco, San Raymundo de Peñafort, at Hari ng Espanya upang mailigtas at matubos ang mga taong nabihag ng mga muslim. Iniugnay rin ang homiliya sa tema ng kapistahan na "Mahal na Birhen dela Merced: Nakikinig sa Bawat Dalangin", na inilalarawan sa Taon ng Pakikinig ng ating diyosesis. Binanggit ng obispo na ang Diyos ay nagsasalita sa ating paggising na "Ikaw ay buhay, kaloob ko sa iyo ang buhay ang iyong hininga", na nagsasaad na dapat tayong magpasalamat at pahalagahan ang buhay na kaloob dahil ang Diyos ay laging nakikinig sa atin.

Bilang bahagi ng pagtatapos ng pagdiriwang, pinangaralan nila ang Mahal na Birhen ng dela Merced. 

Sa pagtatapos ng kapistahang ito, nawa’y ang mga mananampalataya ay matutong makinig at tumugon sa Diyos, at isapuso ang Kaniyang mga Salita, at gawing ehemplo ang Mahal na Birheng Maria bilang huwaran ng pakikinig at pagtugon.  

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6