Vocation Nurturing Circle, isinagawa sa Our Lady of the Pillar Seminary

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Vocation Nurturing Circle, isinagawa sa Our Lady of the Pillar Seminary

September 24, 2026 by Diocesan Media

Imus City, Cavite — Isinagawa noong Setyembre 19, 2026 ang Session 2 ng Vocation Nurturing Circle sa Our Lady of the Pillar Seminary, Buhay na Tubig, Imus City, sa pangunguna ng Diocese of Imus Catholic Educational System, Inc.

Layunin ng programa na patuloy na mahubog at maalagaan ang mga bokasyon sa pamamagitan ng panalangin at mga gawaing makatutulong sa mga kabataan na mas makilala ang kanilang bokasyon.

Nagsimula ang programa sa arrival at roll call, sinundan ng opening prayer at animation. Isinagawa rin ang isang talk ni Bro. Simon Guevarra, bago ang paggawad ng mga sertipiko at ang “Conversation with the Spirit.”

Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang Holy Hour for Vocations with Benediction, na nagsilbing pagkakataon para sa sama-samang pananalangin para sa mga bokasyon sa Simbahan.

Samantala, naging bahagi rin ng pagtitipon ang Vicarial Dalaw del Pilar. Dumating ang imahen sa Old Gate ng Our Lady of the Pillar Seminary, kung saan isinagawa ang pag-awit ng Salve Regina.

Sinundan ito ng Karakol palabas ng main gate ng seminaryo, bilang pagpapahayag ng debosyon at pakikiisa ng pamayanan sa pagdalaw ng imahen.

Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, patuloy na isinusulong ng Diyosesis ng Imus ang kultura ng bokasyon—isang paanyaya sa mga kabataan at pamayanan na makinig, magnilay, at tumugon sa tawag ng Diyos.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6