GMA, CAVITE — Isinagawa ngayong Setyembre 16, 2026, sa San Jose Manggagawa Parish, GMA, Cavite, ang ika-6 na Pastoral Care Training ng Ministri sa mga May Karamdaman. Tinalakay ang mga paraan sa pagsasagawa ng pastoral care visit at ang pastoral responses and choices.
Sa Module 5, tinalakay ni Rev. Fr. Michael Ceazar C. Dela Cruz, OFS ang mga salitang dapat gamitin at hindi dapat gamitin habang isinasagawa ang pastoral visit upang matiyak ang pagiging sensitibo sa mga lengguwaheng ginagamit sa pakikipag-usap sa mga pasyente.
Samantala, sa Module 6, tinalay naman ni Ms. Malorna Mosico, ang Lay Pastoral Worker ng nasabing ministri ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pastoral visit, mula sa pagkilala at pangangamusta hanggang sa pagdarasal para sa mga pasyente, sinundan naman ng isang
roleplay activity upang mas lalong maintindihan ng mga volunteers ang mga paksang tinalakay.
Ipinapakita ng pagsasanay na ang pastoral care ay hindi lamang tungkol sa pagbisita, kundi sa paraan ng pakikinig, pakikipag-usap, at pakikiramay sa mga taong nangangailangan ng kalinga.