Motorcade para sa Opening Salvo ng Fiesta Del Pilar 2026, Matagumpay na Naisagawa

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Motorcade para sa Opening Salvo ng Fiesta Del Pilar 2026, Matagumpay na Naisagawa

September 21, 2026 by Diocesan Media

IMUS, CAVITE — Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na kapistahan ng Nuestra Señora del Pilar; Patrona ng Diyosesis ng Imus, matagumpay na isinagawa ngayong Setyembre 19, 2026 ang Opening Salvo ng Fiesta del Pilar 2026.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral sa ganap na 6:30 ng umaga, na sinundan ng isang motorcade na pinangunahan ng Shrine Council ng Dambana.

Sa isinagawang motorcade, inikot ng imahen ni Nana Pilar ang kanyang bikaryato at mainit na sinalubong ng mga pari at mga pamayanang kanyang dinaanan.

Sa kanyang pagdalaw sa bawat komunidad, patuloy na ipinapaalala ni Nana Pilar ang kanyang makainang pagmamahal at pamamatnubay sa kanyang mga anak. Kasabay nito, inaanyayahan ang mga mananampalataya na sama-samang maghanda at makiisa sa mga pagdiriwang bilang pagpapahayag ng pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birhen.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6