Leap for Youth Program Year 2, Isinagawa ang Unang Buwanang Formation

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Leap for Youth Program Year 2, Isinagawa ang Unang Buwanang Formation

September 10, 2026 by Diocesan Media

TRECE MARTIRES CITY, CAVITE — Isinagawa ang unang buwanang formation ng LEAP for Youth Program Year 2 noong Setyembre 6, 2027, sa St. Jude Parish School, Trece Martires City, Cavite.

Dinaluhan ito ng mga LEAP Partners bilang bahagi ng patuloy na paghuhubog ng Caritas Imus at Ministri sa Kabataan. Kasabay nito ang welcoming party para sa 13 bagong LEAP Partners na opisyal nang naging bahagi ng programa.

Sinimulan ang formation sa pamamagitan ng Listening Circle na pinangunahan ng mga seminarista na sina Bro. Caloi at Bro. Bong, na nakatuon sa kahalagahan ng pakikinig, pagbabahagi, at pagiging sandalan ng kapwa kabataan.

Sinundan ito ng formation sessions para sa dalawang batch. Tinalakay sa Batch 1 ang Self-Discovery, habang nakatuon naman ang Batch 2 sa Basic Financial Literacy. Sa mga sesyong ito, nahasa ang mga kabataan sa pagkilala sa sarili, paggawa ng mabubuting desisyon, at responsableng pamamahala ng kanilang resources.

Sa hapon, isinagawa ang Battle of the Houses, kung saan nagtagisan ng kaalaman ang mga LEAP Partners tungkol sa Katekesis. Nahati ang mga kalahok sa apat na houses: House of St. Francis de Assisi, House of St. Oscar Romero, House of St. Teresa ng Calcutta, at House of St. Vincent de Paul.

Bilang pagtatapos, nagkaroon ng faith sharing at pagninilay ang bawat house upang balikan ang mga karanasan at aral mula sa buong araw.

Naging pagkakataon ang unang buwanang formation upang mas makilala ng mga LEAP Partners ang kanilang sarili, mapalalim ang kanilang pananampalataya, at mapatatag ang samahan sa isa’t isa. Higit sa mga kaalamang natutuhan, ipinakita ng formation na ang paglalakbay ng kabataan ay mas nagiging makabuluhan kapag isinasabuhay ang pakikinig, pagkakaisa, patuloy na pagkatuto, at pa

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6