GMA, CAVITE — Ipinagpatuloy ngayong Setyembre 9, 2026 ang Pastoral Care Training ng Ministri sa mga May Karamdaman sa San Jose Manggagawa Parish, GMA, Cavite, na dinaluhan ng mga volunteer sa pangunguna ni Rev. Fr. Michael Ceazar C. Dela Cruz.
Tinalakay sa ikalawang araw ng pagsasanay ang Module 3 tungkol sa pakikinig at Module 4 ukol sa pagbibigay-pansin sa emosyon at pagpapahalaga sa nararamdaman ng mga pasyente.
Layunin ng mga talakayan na higit na mahubog ang mga volunteer sa maayos na pakikipag-ugnayan at pakikinig sa mga may karamdaman, bilang bahagi ng kanilang paglilingkod at pag-aalaga sa mga nangangailangan.
Ipinapakita ng pagsasanay ang patuloy na pagtugon ng Simbahan sa pangangailangang espirituwal at emosyonal ng mga may karamdaman, sa pamamagitan ng presensya, pakikinig, at malasakit.