Mga Nakikiramay sa Pamilya ng Yumaong si Tatay Maning Tagle, Patuloy ang Pagdating

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Mga Nakikiramay sa Pamilya ng Yumaong si Tatay Maning Tagle, Patuloy ang Pagdating

September 09, 2026 by Diocesan Media

Mula nang ilagak ang mga labi ng yumaong si Tatay Maning Tagle, ama ng minamahal nating si Cardinal Chito Tagle at ni Manuel Tagle Jr., patuloy ang pagdating ng mga taong nakikiramay at nagpapahayag ng kanilang pagmamahal, panalangin, at pakikiisa sa buong pamilya Tagle.

Ang mga Banal na Misa na iniaalay para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Tatay Maning ay dinaluhan ng mga pari mula sa iba’t ibang diyosesis at kongregasyon, mga relihiyoso at relihiyosa, mga lingkod-layko, at mga mananampalataya na nagnanais makiisa sa panalangin at makiramay sa pamilya.

Sa mga sandaling ito ng pagluluksa, tunay na namamayani ang diwa ng malasakit, pakikiisa, at pagkakapatiran. Ang patuloy na pagdating ng mga nakikiramay ay patunay ng natatanging ugnayan ni Tatay Maning sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay at sa mga taong kanyang naging bahagi ng buhay.

Sa gitna ng pagluluksa, ramdam ang isang pamayanang nagkakaisa sa panalangin, sapagkat sa pagdadalamhati, walang sinuman ang kailangang mag-isa.

Patuloy po nating isama sa ating mga panalangin ang kaluluwa ni Tatay Maning Tagle at ang buong pamilya Tagle.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6