LANGKAAN 1, DASMARIÑAS CAVITE | TMP, TAGAYTAY CITY — Nagsagawa ng District Meeting ang Diocesan Lay Formation Office (DLFO) ng Diyosesis ng Imus ngayong Setyembre 5, 2026, upang tipunin ang mga Lay Formation Representatives mula sa iba’t ibang parokya.
Nagtipon ang District of St. Luke sa St. Paul Parish Langkaan 1 na dinaluhan ng 54 participants, habang nagtipon naman ang District of St. Mark sa Tahanan ng Mabuting Pastol, Tagaytay, na may 35 participants.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga Listening Circles, kasalukuyang gawain at mga plano ng bawat parokya, layunin ng Lay Formation, pagpili ng mga kinatawan sa Vicariate, at mga anunsyo para sa Taon ng Pakikinig Listening Circles.
Pinangunahan nina Anna Chrisia Nuestro at Julius Conjurado, kasama ang Diocesan Lay Formation Team, ang naturang pagtitipon.