NAIC, CAVITE — Namahagi ng 200 food packs ang Byaheng Malasakitan sa mga kababayang nangangailangan sa Sto. Niño de Bancaan Parish noong Agosto 26, 2026, sa pakikiisa ng Metrobank Foundation, Caritas Philippines, at Ministri sa Pangingisda, upang makapaghatid ng pagkain, pag-asa, at malasakit sa mga komunidad na nangangailangan.
Isinagawa ang relief operation bilang bahagi ng patuloy na humanitarian response ng mga katuwang na organisasyon para sa mga pamilyang nangangailangan ng suporta sa gitna ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap.
Sa isinagawang distribusyon, personal na naiabot sa mga benepisyaryo ang mga food packs, kasabay ng pakikipag-tulungan ng mga volunteers na nakiisa sa operasyon.
Higit pa sa pagkain, naging pagkakataon ang Byaheng Malasakitan upang maipadama sa mga benepisyaryo na ang paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng materyal na tulong, kundi tungkol din sa presensya, pakikinig, at pagkalinga sa kapwa.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na ipinapaabot ng Byaheng Malasakitan hindi lamang ang tulong, kundi ang mensahe na sa panahon ng pangangailangan, may mga taong handang makiisa at tumulong.