Pagkalinga sa mga Pasyenteng May Ibang Pananampalataya, Tinalakay sa Pastoral Care Training

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Pagkalinga sa mga Pasyenteng May Ibang Pananampalataya, Tinalakay sa Pastoral Care Training

October 07, 2026 by Diocesan Media

GMA, CAVITE - Tinalakay ang pagkalinga sa mga pasyenteng may iba’t ibang pananampalataya sa isinagawang Pastoral Care Volunteer Training (PCVT) ng Ministri sa mga May Karamdaman sa Parokya ng San Jose Manggagawa, GMA, Cavite, ngayong Oktubre 7, 2026.

Bahagi ng pagsasanay ang Module 9: “How to Minister to People of Different Faith Traditions,” Nakatuon ang talakayan sa mga paraan ng maayos at sensitibong paglilingkod sa mga pasyenteng may magkakaibang paniniwala at tradisyong panrelihiyon.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng paggalang, pakikinig, at pag-unawa sa pananampalataya ng bawat pasyente. Sa pastoral care, mahalagang maging sensitibo sa kanilang mga paniniwala at pangangailangan, lalo na sa mga pagkakataong nangangailangan sila ng espirituwal at emosyonal na suporta.

Sa pamamagitan ng patuloy na paghuhubog, layunin ng PCVT na ihanda ang mga pastoral care volunteer sa mas makatao at maingat na paglilingkod, anuman ang pananampalatayang kinabibilangan ng nga pasyente.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6