Scholarship Testing ng Sisters of Mary, Isinagawa sa Diyosesis ng Imus

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Scholarship Testing ng Sisters of Mary, Isinagawa sa Diyosesis ng Imus

September 14, 2026 by Diocesan Media

GENERAL TRIAS, IMUS, CAVITE — Isinagawa ang scholarship testing ng Sisters of Mary noong Setyembre 12 sa Our Lady of the Pillar Seminary sa Imus, Cavite, at noong Setyembre 13 sa Pacencia Hidalgo Laurel Youth Center sa General Trias, Cavite.

Bahagi ito ng taunang scholarship program ng Sisters of Mary School na naglalayong mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mga kabataang Grade 6. Sa ilalim ng programa, ang mga mapipiling iskolar ay susuportahan sa kanilang pag-aaral sa loob ng anim na taon.

Aabot sa 22 kabataan, kasama ang kanilang mga magulang at guardian, ang dumalo sa isinagawang testing mula sa iba’t ibang parokya sa Diyosesis ng Imus.
Naging posible ang programa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Diyosesis, sa pangunguna ng minamahal na obispo, Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, D.D., at Caritas Imus, katuwang ang Sisters of Mary sa pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ipinapaalala ng programang ito na ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagkatuto, kundi isang paraan upang mabigyan ng pag-asa at mas magandang kinabukasan ang mga kabataan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at malasakit, nagiging daan ito upang maabot nila ang kanilang mga pangarap at maging instrumento rin ng pagbabago sa kanilang komunidad.

Sa ganitong pagkakataon naipapamalas ng simbahan ang pagbibigay halaga sa edukasyon ng mga Kabataan.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6