GENERAL TRIAS, CAVITE — Pormal nang ipinahayag bilang ganap na parokya ang St. Teresa of Calcutta Parish sa General Trias, Cavite, nitong Lunes, Nobyembre 9, 2026, sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Kanonikal na Deklarasyon bilang ganap na parokya at pagtatalaga sa bago nitong Kura Paroko.
Pinangunahan ng Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus, ang makasaysayang pagdiriwang, kung saan itinalaga si Reb. Padre Joseph Miguel Mallari, CRS, bilang Kura Paroko ng nasabing parokya.
Ang pagkakabilang ng St. Teresa of Calcutta sa mga ganap na parokya ng Diyosesis ng Imus isang panibagong yugto sa kasaysayan ng pananampalataya ng sambayanan. Kalakip nito ang higit na pagpapalawak ng gawaing pastoral at pagpapatibay sa ugnayan ng Simbahan sa mga mananampalatayang nasasakupan nito.
Ang makasaysayang pagdiriwang na ito ay sumasalamin sa patuloy na paglago ng Simbahan sa Diyosesis ng Imus at nagsisilbing paanyaya sa buong parokya na patuloy na magkaisa at makibahagi sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ni Kristo.