SILANG, CAVITE – Ginanap sa Parokya ng San Antonio de Padua – Pooc noong Oktubre 30, 2026 ang Banal na Misa na sinundan ng Banal na Oras para sa bokasyon. Pinangunahan ang mga banal na gawain ni Reb. Pdr. Romel Lagata, OFS, Priest Animator ng Ministri sa Bokasyon ng Diyosesis ng Imus.
Sa pamamagitan ng mga pagdiriwang na ito, sama-samang inialay ang mga panalangin para sa patuloy na pagyabong ng mga bokasyon sa ubasan ng Panginoon, gayundin ang paggabay sa mga tinawag na maglingkod sa Kanyang Simbahan.
Ang pag-aalay ng mga banal na gawain para sa pagsusulong ng mga banal na bokasyon ay nagsisilbing pagpapahayag ng pananampalataya at pagtitiwala sa patuloy na paggabay ni Hesus, ang Mabuting Pastol.