GENERAL TRIAS, CAVITE — Noong Nobyembre 23, 2026, mainit na sinalubong ng sambayanan sa Our Lady of Guadalupe Parish, Javelera gayundin ng mga deboto mula pa sa iba't ibang panig ng Diyosesis, ang imahen ng Birhen ng Guadalupe na nagmula pa sa bansang Mexico.
Pinangunahan ni Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus, ang Banal na Misa ng Pagsalubong (Welcoming Mass). Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga pari at lingkod-bayan bilang pagpapahayag ng kanilang pakikiisa sa makasaysayang pagdalaw ng Mahal na Birhen.
Mananatili ang imahen sa nasabing parokya hanggang Nobyembre 24, 2026.