Pandistritong Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Lucas, isinagawa sa Parokya ng Hesus Nazareno

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Pandistritong Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Lucas, isinagawa sa Parokya ng Hesus Nazareno

October 19, 2026 by Diocesan Media

π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š 𝗗𝗔𝗦𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π—”π—¦, π—–π—”π—©π—œπ—§π—˜ β€” Nagtipon ang sambayanan ng Distritong Episkopal ni San Lucas sa Parokya ng Hesus Nazareno noong Sabado, ika-17 ng Oktubre, upang ipagdiwang ang kapistahan ni San Lucas. Binubuo ng tatlong bikaryato, ang Bikaryato ng Ina ng Laging Saklolo, Bikaryato ng Inmaculada Concepcion, at Bikaryato ng San Francisco de Asis, ang pagdiriwang ay nilahukan ng humigit-kumulang 700 na lingkod-simbahan at parokyano mula sa mga parokyang sakop ng ating distrito. 

Bilang panimula, umawit ng mga papuri sa ating Panginoon ang grupo ng El Shaddai ng Parokya ng Hesus Nazareno, at sinundan ng pagbabahagi ni Rev. Fr. Alberto Failago, SHMI, katuwang na pari ng Mary Immaculate Parish - Salawag, tungkol kay Maria at ang kahalagahan ng pagpaparangal sa Banal na Eukaristiya bilang Katawan ni Kristo. Ibinahagi ni Rev. Fr. Albert Failago na ating alalahanin na si Kristo ay Diyos bago Siya maging tao, kung kaya’t ipinadala ng Diyos ang Kaniyang bugtong na anak. Pinaalalahanan rin ni Rev. Fr. Albert Failago na si Maria ay hindi lang basta babae, bagkus si Maria ay ang Ina ng ating Panginoong Hesukristo, at ang ating pag-ibig kay Maria ay nagmumula sa pag-ibig din ni Kristo sa kaniyang Ina, dahil ang papel ni Maria sa buhay natin ay akayin tayo patungo kay Kristo na kaniyang anak patungo sa ating kaligtasan.”

Pagtapos ng pagbabahagi ni Rev. Fr. Alberto Failago ay isinagawa ang Misa Concelebrada sa pangunguna ni Rev. Fr. Agustin Baas, episcopal vicar ng Distritong Episkopal ni San Lucas at Kura Paroko ng Parokya ng Inmaculada Concepcion, kasama ng mga vicar forane at tanang kaparian mula sa tatlong bikaryatong sakop ng distrito. Sa homilya ni Rev. Fr. Joseph Miguel Mallari, mula sa Santa Teresa de Calcutta Pastoral Center, kaniyang ibinahagi ang kahalagahan ng positibong pagtingin sa buhay, lalo na’t kung tayo ay sinusubok at inuusig. 

Bilang panapos, pinasalamatan ni Rev. Fr. Agustin Baas ang mga vicar forane ng kada bikaryato, mga pari na siyang nakilahok sa misa concelebrada, ang mga parokyang naki-isa sa pagdiriwang, at sa parokyang punong-abala ng pagdiriwang – ang Parokya ng Hesus Nazareno, kaniya ring ibinahagi ang pagkadeklara ng Parokya ng Santa Rita de Cascia at Parokya ng Maria, Ina ng Tagapagligtas bilang isang ganap na parokya, kaakibat nito ay pormal ding ibinahagi ni Rev. Fr. Baas ang pagdedeklara sa Santa Teresa de Calcutta Pastoral Center bilang isang ganap na parokya sa ika-9 ng Nobyembre 2026.

Diocese of Imus Logo

General CastaΓ±eda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6