Parokya ng San Roque sa Imus, Pormal nang Idineklara; Unang Kura Paroko, Itinalaga

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Parokya ng San Roque sa Imus, Pormal nang Idineklara; Unang Kura Paroko, Itinalaga

October 28, 2026 by Diocesan Media

IMUS, CAVITE — Pormal nang idineklara bilang ganap na parokya ang Sentro Pastoral ng San Roque sa Pamayanan ng Pag-Asa II, Lungsod ng Imus, Cavite, nitong Lunes, Oktubre 26, 2026.

Pinangunahan ni Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus, ang Banal na Misa alas-9:30 ng umaga, na sinundan ng seremonya ng deklarasyon at pagtatalaga kay Reb. Padre Stephen Maragañas, TC bilang kauna-unahang Kura Paroko. Sa kanyang homilya, binigyang-diin ni Bishop Rey Evangelista na ang pagtatatag ng Parokya ng San Roque ay isang malinaw na indikasyon ng patuloy na paglago ng Inang Simbahan sa Diyosesis ng Imus. Ayon sa Obispo, ang paglago ng Simbahan ay nakikita sa mga pamayanang sama-samang lumalalim ang ugnayan sa Diyos at nagiging mas handang tumugon sa mga pangangailangan ng kapwa.

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga pamilya, kabataan, layko at mga lingkod-simbahan na maging aktibong bahagi ng buhay-parokya sa pamamagitan ng pananalangin, pakikiisa sa mga gawaing pastoral at paglilingkod sa komunidad.

Sa pamumuno ni Reb. Padre Stephen Maragañas, TC, inaasahang magiging sentro ang Parokya ng San Roque ng paghubog, pakikipag-ugnayan at paglilingkod para sa mga mananampalataya ng Pag-Asa II. 

Ang okasyon ay nagbukas ng panibagong yugto para sa pamayanan, na tinatawagan na patuloy na magkaisa at makibahagi sa misyon ng Simbahan.

Isang Simbahan. Isang Pamilya. Isang Misyon.
Sama-sama kay Kristo, sama-sama sa paglilingkod.

San Roque, ipanalangin mo kami. 

Birhen del Pilar, Ina ng ating Diyosesis, ipanalangin mo kami. 

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6