Diyosesis ng Imus, pinagtibay ang pagtutulungan sa pagtataguyod ng bokasyon

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Diyosesis ng Imus, pinagtibay ang pagtutulungan sa pagtataguyod ng bokasyon

October 26, 2026 by Diocesan Media

TAGAYTAY, CAVITE — Nagtipon ang mga kinatawan ng iba't ibang kongregasyon sa Diyosesis ng Imus para sa Gathering on Vocation Promotion and Collaboration noong Oktubre 24, 2026, sa St. John XXIII Hall, Tahanan ng Mabuting Pastol.

Layunin ng pagtitipon na isabuhay ang diwa ng sinodalidad at palalimin ang iisang misyon ng Diocesan Vocation Ministry at ng mga vocation director, directress, at animator ng iba't ibang kongregasyon sa pagtataguyod ng bokasyon.

Binigyang-diin din sa pagtitipon ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kongregasyon at ng diyosesis upang higit na mapalakas at maiayon ang mga pagsisikap sa pagpapakilala at paggabay sa mga tumutugon sa tawag ng Diyos.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagtitipon, pinatitibay ang ugnayan ng mga lingkod ng Simbahan sa pagsusulong ng sama-samang pagkilos at pakikibahagi sa misyon ng pagpapalaganap at pagtataguyod ng mga bokasyon sa buhay-paglilingkod.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6