Pagtatapos ng Fiesta del Pilar 2026, Naging Makabuluhan

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Pagtatapos ng Fiesta del Pilar 2026, Naging Makabuluhan

October 28, 2026 by Diocesan Media

IMUS, CAVITE — Napuno ng mayamang debosyon at tradisyon ang Dambana ng Nuestra Señora del Pilar sa katatapos lamang na Closing Salvo ng Fiesta del Pilar 2026 noong Oktubre 24, 2026, na dinaluhan ng mga parokya at sambayanan ng kanyang bikaryato.

Inumpisahan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Benjie A. Francisco, Kura Paroko ng St. Martha Parish, Greengate Homes, habang si Rev. Fr. Reuel Castañeda, Kura-Rector ng Katedral ng Imus naman ang nagsilbing concelebrant. Sinundan ito ng prusisyon kasama ang mga patron at patrona ng iba't-ibang parokya, gayundin ang kani-kanilang sambayanan. Kasama sa prusisyon ang orihinal at mapaghimalang imahen ng patrona ng Diyosesis, ang Birhen del Pilar. Pagkatapos, isinagawa naman ang tradisyunal na Ruweda at Toro sa patio ng dambana.

Ang Fiesta del Pilar 2026, na may temang “Maria: Haligi ng Pakikinig, Daluyan ng Pag-ibig,” ay nagpapaalala sa makainang pamamatnubay ni Maria sa buong Simbahan at sa pagiging haligi ng pakikinig at daluyan ng pag-ibig ng Panginoon.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6