Mula Tanza Hanggang Cebu: Tata Usteng, Dala ang Debosyon at Pananampalataya ng mga Tanzeño sa Kabisayaan

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Mula Tanza Hanggang Cebu: Tata Usteng, Dala ang Debosyon at Pananampalataya ng mga Tanzeño sa Kabisayaan

October 21, 2026 by Diocesan Media

CEBU, PILIPINAS  — Isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya ang isinagawa ng banal na imahe ni San Agustin ng Hippo na mas kilala sa tawag na Tata Usteng, ang minamahal na patron ng bayan ng Tanza, Cavite, sa pagdalaw nito sa lalawigan ng Cebu.

Ang pagbisitang ito ay naglalayong ibahagi sa mas maraming mananampalataya ang mayamang tradisyon ng debosyon kay Tata Usteng, na sa mahabang panahon ay nagging bahagi ng buhay, kasaysayan at pagkakakilanlang panrelihiyon ng mga taga Tanza.

Noong ika-12 ng Oktubre, kasabay ng pagdiriwang ng pista ng Mahal na Birhen Del Pilar, ang patrona ng Diyosesis ng Imus, nagsimula ang paglalakbay ng imahe ni Tata Usteng. Nilisan ng banal na imahe ang kanyang tahanan sa Parokya ni San Agustin sa Tanza, Cavite, upang simulant ang paglalakbay patungong Cebu.  

Sakay ng barko naglayag si Tata Usteng  kasama ang delegasyon mula sa Tanza, dinala ang imahe patungo sa Kabisayaan bilang bahagi ng makabuluhang pagdalaw na ito.

Dumating ang imahe ni Tata Usteng sa Cebu kahapon, ika-13 ng Oktubre. Agad siyang sinalubong ng mga deboto at ng Caballeros de San Agustin. Pagkatapos nito, dinala ang imahe sa Archdiocesan Shrine and Parish of Our Lady of Guadalupe de Cebu para sa pormal na pagsisimula ng kanyang pagbisita. Isinagawa din ang Civic Welcome ngayong umaga  sa Cebu Provincial Capitol, na sinundan ng pagdaan ni Tata Usteng sa Cebu City Hall (Santo Niño, Cebu City). Bibisitahin nya rin ang iba’t-ibang simbahan sa lalawigan na kung saan nakatakda itong makibahagi sa iba't ibang gawaing panrelihiyon na magbibigay ng pagkakataon sa mga deboto na makilala at mapalalim ang kanilang debosyon kay San Agustin.

Mananatili ang banal na imahe sa Cebu hanggang sa ika-16 ng Oktubre. Ang farewell mass ay gaganapin sa Basilica Minore del Stanto Niño de Cebu sa ganap na ika-5:30 ng hapon. 

¡Viva Tata Usteng!

¡Viva San Agustin de Tanza!

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6