Misa Pontifical sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Misa Pontifical sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario

October 22, 2026 by Diocesan Media

Matagumpay na ipinagdiwang ang Misa Pontifical na pinangunahan ni Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Diyosesis ng Imus, noong Oktubre 18, 2026, ganap na alas-4:00 ng hapon, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santísimo Rosario.

Sa ilalim ng temang “Birheng Maria, Huwaran ng Pakikinig at Pagsunod sa Kalooban ng Ama,” muling binigyang-diin sa banal na pagdiriwang ang mahalagang papel ni Maria bilang huwaran ng ganap na pananampalataya, mapagpakumbabang paglilingkod at buong-pusong pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Nawa'y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang halimbawa ng Mahal na Birhen Maria upang patuloy na pakinggan ang tinig ng Panginoon, magtiwala sa Kanyang banal na plano at maglingkod sa kapwa nang may kababaang-loob, pagmamaha at katapatan.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot kay Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Diyosesis ng Imus, sa kanyang pangunguna sa banal na pagdiriwang, kina Cong. Roy Loyola at Mayor Dahlia Loyola, kina G. at Gng. Junvil at Angela Morales, ang ating Hermano at Hermana ngayong taon, gayundin sa lahat ng sponsors, lingkod-parokya, at mananampalatayang nakiisa at nagbigay ng kanilang suporta upang maging makabuluhan at matagumpay ang pagdiriwang na ito.

Nawa'y patuloy tayong magkaisa sa pananampalataya at tularan ang Mahal na Birheng Maria sa ating paglalakbay bilang mga alagad ni Kristo.

Mabuhay ang Mahal na Birhen ng Santísimo Rosario! 

Salamat sa Diyos! 

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6