GENERAL TRIAS, CAVITE – Sa pamamagitan ng Caritas Imus, sa pagtutulungan ng Caritas Philippines at Monde Mission Foundation, naisakatuparan ang PaMEALya Program, programang naglalayong mabigyan ng pagkain ang aabot sa 50 pamilya sa pamayanan ng PM Homes, komunidad ng The Annunciation Parish, General Trias.
Ang programa ay tatagal ng anim na buwan, na nagsimula noong Hunyo 29. Ang estilo ng feeding program na ito ay kakaiba sa kinagisnan. Sa halip na lutong ulam, mga sangkap ang ipinamamahagi, kabilang ang gulay, karne, pampalasa, at bigas.
Bukod sa feeding program, may isang taong Family Development Program ang PaMEALya Partners. Sa pagtutulungan ng simbahan at mga pribadong institusyon, naisasakatuparan ang misyon na makapaghatid ng tulong tungo sa isang malusog na pamayanan.