Food Packs, Ipinamahagi sa mga Mangingisda sa Ligtong, Rosario

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Food Packs, Ipinamahagi sa mga Mangingisda sa Ligtong, Rosario

August 24, 2026 by Diocesan Media

ROSARIO, CAVITE — Umabot sa 200 food packs ang ipinamahagi sa mga maliliit na mangingisda sa Ligtong, Rosario, noong Agosto 24, 2026, ganap na alas-9:00 ng umaga, bilang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Isinagawa ang distribusyon sa pakikipagtulungan ng Ministri sa Pangingisda, Kaisahan ng mga Maliliit na Mangingisda ng Ligtong, Caritas Imus, Caritas Philippines, Metrobank Foundation, at San Isidro Labrador Parish – Ligtong.

Layunin ng programang ito na makatulong sa pangangailangan ng mga mangingisda at kanilang pamilya, lalo na sa mga naapektuhan ng bagyo. Sa sama-samang pagkilos ng mga katuwang na organisasyon, naihatid ang tulong at malasakit sa mga mangingisda ng Ligtong, Rosario, sa gitna ng epekto ng bagyo.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6