200 Food Packs, Ipinamahagi sa mga Pamilyang Apektado ng Baha sa Naic

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

200 Food Packs, Ipinamahagi sa mga Pamilyang Apektado ng Baha sa Naic

August 19, 2026 by Diocesan Media

NAIC, CAVITE — Aabot sa 200 food packs ang ipamamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa ilang komunidad sa Naic, Cavite ngayong Agosto 19, 2026, kung saan prayoridad ang mga mangingisda at iba pang pamilyang lubos na naapektuhan ng kalamidad.

Layunin ng isinagawang relief operation na makapagbigay ng agarang tulong sa mga pamilyang nangangailangan, partikular sa mga naapektuhan ang kabuhayan at pang-araw-araw na pangangailangan dahil sa pagbaha.

Bawat pamilya ay tatanggap ng isang food pack na naglalaman ng bigas, de-lata, monggo, at kape.

Nagsimula ang aktibidad sa isang maikling programa alas-9 ng umaga sa Bucana Sasahan Chapel, na sinundan ng pamamahagi ng mga relief goods sa mga natukoy na benepisyaryo mula sa Gulod, Munting Mapino, Timalan Concepcion, Timalan Balsahan, at Lontoc 1.

Isinagawa ang relief operation sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Metrobank Foundation, Caritas Philippines, Caritas Imus, Ministri sa Pagkalinga, Ministri sa Komunikasyon at Pananaliksik, Ministri sa Pangingisda, at Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception, Naic, kasama ang mga boluntaryo at iba pang katuwang sa komunidad.

Binigyang-prayoridad sa distribusyon ang mga mangingisda at pamilyang naging biktima ng pagbaha, bilang bahagi ng pagtugon sa kanilang agarang pangangailangan sa pagkain.

Ipinakita ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga institusyon, parokya, ministri, volunteers, at iba pang organisasyon upang makatulong sa mga komunidad na nangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Isinulat ni: John Gabriel Corpuz | Social Communications, Diocese of Imus

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6