JULUGAN 8, TANZA, CAVITE — Nagsama-sama ang Diyosesis ng Imus at mga katuwang nitong organisasyon sa pamamahagi ng 200 food packs sa mga benepisyaryo sa Julugan 8 Covered Court noong Agosto 21, 2026, alas-8:00 ng umaga.
Isinagawa ang relief operation sa pakikipagtulungan ng Caritas Imus, Caritas Philippines, Metrobank Foundation, The Resurrection Parish, Parish Simbahayan Team, at Ministri sa Pangingisda na nagkaisa upang maihatid ang tulong-pagkain sa mga pamilyang nangangailangan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng Diyosesis at mga katuwang nito, layunin ng programa na makatugon sa pangangailangan ng mga benepisyaryo at maipakita ang konkretong malasakit at paglilingkod ng Simbahan sa komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Diyosesis at ng mga katuwang nito ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at paglilingkod, bilang konkretong pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.