Apostolic Nuncio to the Philippines, Lb. Kgg. Archbishop Charles Brown, Nakiisa sa Kapistahan ng Our Lady of the Sacred Heart Parish sa Molino IV, Bacoor

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Apostolic Nuncio to the Philippines, Lb. Kgg. Archbishop Charles Brown, Nakiisa sa Kapistahan ng Our Lady of the Sacred Heart Parish sa Molino IV, Bacoor

June 01, 2026 by Diocesan Media

BACOOR CITY - Noong Mayo 31, 2026, sa Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo, ipinagdiwang din ng Our Lady of the Sacred Heart Parish sa Citihomes Subdivision, Brgy. Molino IV, ang kapistahan ng kanilang patrona, ang Mahal na Ina ng Banal na Puso ni Hesus (Our Lady of the Sacred Heart).

Pinangunahan ang Misa Mayor ng Lubhang na Kagalang-galang na si Archbishop Charles John Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines, sa kanyang makasaysayang unang pagbisita sa Lungsod ng Bacoor.

Sa temang "Kay Maria Deboto, Kay Kristo Patungo," binigyang-diin ng pagdiriwang na si Maria ang patuloy na umaakay sa mga mananampalataya patungo kay Kristo. Sa ilalim ng kanyang titulong Our Lady of the Sacred Heart, kinikilala siya bilang patrona at pag-asa ng mga nawawalan ng pag-asa, at bilang isang mapagmahal na ina na naglalapit sa mga tao sa puso ng kanyang Anak.

Sa kanyang homiliya, ipinaliwanag ni Archbishop Brown na tampok sa imahen ng Our Lady of the Sacred Heart ang Puso ni Hesus, na sumasagisag sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig na ito ay ganap na nahahayag sa misteryo ng Banal na Santatlo. Dahil sa dakilang pag-ibig ng Ama sa sangkatauhan, ipinagkaloob Niya ang Kanyang bugtong na Anak para sa ating kaligtasan. Sa pamamagitan naman ng Mahal na Birheng Maria, nagkatawang-tao ang Salita ng Diyos upang manahan sa gitna natin.

Itinatag ang Our Lady of the Sacred Heart bilang isang Pastoral Center noong 2005 sa pangunguna ng noo'y Obispo ng Imus, si Luis Antonio Cardinal Tagle, mula sa teritoryong sakop ng Sto. NiΓ±o de Molino Parish. Taong 2007, ng itinaas ito bilang isang Quasi-Parish, at noong 2009 ay naging ganap na Parokya. Naitalaga naman ng simbahan noong 2015 sa pangunguna ni Bishop Reynaldo G. Evangelista, Obispo ng Imus.

Ipinagdiriwang ng parokya ang kapistahan ng kanilang patrona tuwing huling Linggo ng buwan ng Mayo.

Isinulat ni: Edmund Zephaniah Rosero | MPK, Our Lady of Sacred Heart Parish - Molino, Bacoor

Diocese of Imus Logo

General CastaΓ±eda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6