PAANYAYA | Pastoral Care Volunteer Training Program, Isasagawa sa GMA

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

PAANYAYA | Pastoral Care Volunteer Training Program, Isasagawa sa GMA

August 25, 2026 by Diocesan Media

GENERAL MARIANO ALVAREZ, CAVITE — Patuloy na inaanyayahan ng Ministri sa mga May Karamdaman ng Diyosesis ng Imus ang mga layko na may puso para sa paglilingkod na makilahok sa Pastoral Care Volunteer Training Program na gaganapin sa San Jose Manggagawa Parish, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Isasagawa ang pagsasanay sa Setyembre 2, 2026, Miyerkules, mula 9:00 AM hanggang 12:00 NN, na naglalayong ihanda ang mga magiging Pastoral Care Volunteers sa pakikinig, pag-alalay, at pakikiisa sa Simbahan sa pastoral na pangangalaga sa mga kapatid na may karamdaman at kanilang mga pamilya.

Hinihikayat lalo na ang mga interesado mula sa mga parokya at pamayanang malapit sa GMA, Carmona, Silang, Dasmariñas, at iba pang karatig na lugar na magpadala ng mga kinatawan sa naturang pagsasanay.

Ayon sa ministri, ang programa ay para sa mga laykong handang matuto at maging katuwang ng Simbahan sa pagpapakita ng habag, pag-asa, at mapagpagaling na pag-ibig ni Kristo sa mga taong may karamdaman.

Bukas pa ang pre-registration, ngunit limitado lamang sa 60 kalahok ang maaaring makibahagi sa pagsasanay.

Para sa karagdagang impormasyon at pagpapatala, maaaring makipag-ugnayan kay Rev. Fr. Michael Ceazar C. Dela Cruz, Animator ng Ministri sa mga May Karamdaman, sa 0946 191 8595, o kay Sis. Ma. Lorna Mosico, Lay Pastoral Worker, sa 0928 292 2505.

Inaanyayahan ng ministri ang mga parokya at komunidad na makiisa sa misyong ito at sama-samang matutunan kung paano maging presensya ng pagmamalasakit at pag-asa para sa mga kapatid na nangangailangan ng pastoral na kalinga.

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6