PASTOL KA General Assembly

by Vocation Ministry

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

PASTOL KA General Assembly

August 21, 2024 by Vocation Ministry

Muling nagsama-sama ang mga seminarista ng Diyosesis ng Imus para sa kanilang Unang General Assembly. 

Sa unang araw ay nagsimula ang Assembly sa isang Banal na Misa na pinangunahan ni Reb. P. Rommel Lagata na siyang Adviser ng Kapatiran. Nakipagmisa din sina Reb. P. Michael Dela Cruz at Reb. P. Michael Paglinawan. Sa loob ng Banal na Misa, nanumpa ang mga bagong halal na mga tagapamuno ng Kapatiran. Nagtapos ang unang araw sa kumustahan ng bawat miyembro ng mga ministri na kanilang kinabibilangan.

Sa ikalawang araw naman ng General Assembly, ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Reb. P. Ashpaul Castillo, Tagapaghubog-Espiritwal ng Seminaryo ng Mahal na Birhen del Pilar. Ibinahagi na rin ng pamunuan ng PASTOL KA ang isang isyu ng Diwang Pastol, ang opisyal na pahayagan ng PASTOL KA. 

Naganap noong umaga ang pormal na paguusap ng mga Ministri para sa kanilang mga layunin sa darating na taon ng paghuhubog. Kinahapunan, nagsama-sama ang kapatiran upang pagtibayin ang kanilang mga alituntunin. Layunin nito na marinig ang tinig ng bawat isang miyembro tungkol sa alituntinin ng PASTOL KA. Gayundin, ipiniresenta ng mga Minstri Head ang layunin ng kanilang ministri sa darating na taon ng paghuhubog. Natapos ang ikalawang araw sa paglalagom ng Tagapamuno na si Bro. Jobert Gatmaitan sa mga nangyari sa buong General Assembly.

#PASTOLKA

Diocese of Imus Logo

General CastaƱeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Build Version: v1.1.3