๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ (Ulat ni Trisha Aron)
Naganap ang taunang Banal na Paghuhubog ng kaparian ng ating Diyosesis noong Agosto 19โ23 sa Carmelite Missionaries Center of Spirituality sa Tagaytay City, Cavite.
Nagsilbing retreat master ng kaparian ang Lubhang Kgg. Raul B. Dael, obispo ng Tandag. Binigyang-diin at ipinaalala ni Bishop Dael sa mga pari ang kahalagahan ng tamang balanse ng gawain, panalangin at pamamahinga. Sa pamamagitan ng tamang balanse, magiging mas epektibo ang paglilingkod ng mga pari at mapananatili ang kanilang sigla at inspirasyon upang patuloy na maglingkod sa sambayanan nang may malasakit at pagmamahal.
Isa rin sa mga naging mahalagang punto ng retreat ang pagiging empowered ng kaparian sa ilalim ng DEP framework, na kinabibilangan ng: Disposition o bukas na kalooban upang tanggapin ang patnubay ng Diyos; Experience o Encounter, ang masiglang pakikipagtagpo kay Hesus at pagdanas ng Kanyang presensiya sa pang-araw-araw na buhay; at Process o ang patuloy na proseso ng paglago sa pananampalataya at pagsasabuhay ng bokasyon.
Sa pagtanggap at pagsasabuhay ng DEP Framework, lalong mapalalalim ang paglilingkod ng ating kaparian at magiging instrumento ng pagmamahal at biyaya ng Diyos sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
Bagamat natapos na ang Annual Retreat ng ating kaparian, hinihikayat tayong patuloy silang isama sa ating mga panalangin. Nawa, sa pamamagitan ng ating mga pari, tayong lahat ay tumugon din sa tawag ng kabanalan at gawing huwaran ang kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos.
[๐๐๐ค๐ฉ๐ค ๐พ๐ค๐ช๐ง๐ฉ๐๐จ๐ฎ: ๐๐๐ซ. ๐๐ง. ๐๐๐ฎ๐ค๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐ค๐จ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฎ๐ค๐ก๐, ๐๐๐ซ. ๐๐ง. ๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐ฉ ๐ผ๐ง๐๐ฃ๐๐ก, ๐๐๐ซ. ๐๐ง. ๐ ๐ค๐จ๐๐ฅ๐ ๐พ๐ค๐จ๐๐ฃ๐, ๐๐๐ซ. ๐๐ง. ๐๐ค๐ข๐๐ก ๐๐๐๐๐ฉ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ซ. ๐๐ง. ๐๐๐ฎ๐ข๐๐ง ๐ผ๐ง๐๐.]
_______________________________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus