๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐-๐ญ๐๐จ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐ญ๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐
(Isinulat ni Mark Anthony Gubagaras)
๐๐๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐ร๐๐ฆ, ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ โNagsama-samang muli ang mga social communications minister sa buong Diyosesis ng Imus para sa ikatlong quarterly kumustahan ng Ministri sa Panlipunang Komunikasyon noong ika-24 ng Agosto sa St. Paul Parish sa Langkaan, Dasmariรฑas City.
Dumalo ang mahigit 100 SOCCOM workers mula sa iba't-ibang parokya sa Cavite upang magnilay sa paksang "Artificial Intelligence and the Wisdom of the Heart: Towards a Fully Human Communication," na siya ring tema ng ika-58 World Communications Sunday na ipinagdiwang ng Simbahan noong Mayo.
Tampok sa pagtitipon ang talk ni Fr. Norman Melchor Peรฑa Jr., SSP, isang social communications scholar at kasalukuyang rector at dean of studies ng St. Paul Seminary sa Lalaan 1st, Silang.
Sinabi ni Fr. Peรฑa na sa halip na magbigay-tuon sa mga midyum ng komunikasyon at paggamit ng artificial intelligence o AI at iba pang teknolohiya, mahalagang gamitin ang "wisdom of the heart" na kaloob ng Espiritu Santo sa paglalahad ng Salita ng Diyos at mga karanasan ng mga tao sa pinakamabisang paraan upang magsilbing inspirasyon sa iba.
"Kayo ba ay SOCCOM dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon? O dahil sa ang pananaw natin ay bago ukol sa kung paano magpakatao sa panahon natin ngayon?" tanong ni Fr. Peรฑa.
Ibinahagi rin ni Fr. Peรฑa sa wikang Italyano ang "Manifesto of Non-Hostile Communication" ng nonprofit group na Parole O_Stili, na naglalaman ng 10 prinsipyo ng tamang asal at gawi upang mapanatiling maayos at bukas ang internet para sa lahat ng gumagamit nito.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga SOCCOM minister na mas palalimin ang pagkaunawa sa manifesto sa pamamagitan ng isang workshop kung saan iniugnay nila ang mga bawat puntos ng manifesto gamit ang mga balitang kanilang binasa at pinag-aralan mula sa mga pahayagan o dyaryo.
Bukod sa talk ni Fr. Peรฑa, opisyal na ipinakilala sa mga dumalo ang bagong website ng Diyosesis ng Imus kung saan gumaganap ang MPK-SOCCOM bilang tagapamahala nito. Ipinaliwanag sa kanila ang ilang panuntunan sa pag-submit ng mga balita at larawan ukol sa mga mahahalagang pangyayari sa kani-kanilang mga parokya, bikaryato at episcopal district.
Nagkaroon din ng updating ang mga SOCCOM minister ukol sa mga naging proyekto at gawain ng MPK-SOCCOM sa loob at labas ng Diyosesis, kabilang ang pagdalo sa National Catholic Social Communications Conference noong Agosto 5-8 sa Lipa City, Batangas, gayundin sa mga gagawing coverage ng mga pagtitipon sa Diyosesis sa mga susunod na buwan.
Gaganapin ang ikaapat at huling quarterly kumustahan ng MPK-SOCCOM para sa taong ito sa ika-16 ng Nobyembre sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Binakayan, Kawit.
Larawang kuha ni Jea C. Antang