DCLI Kumustahan

by DPPE Information

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

DCLI Kumustahan

August 12, 2024 by DPPE Information

Muling ginanap noong Agosto 10 at 11 ang kumustahan ng Diocesan Council of the Laity of Imus o DCLI sa iba't ibang bikaryato sa Diyosesis. Sa pagkakataong ito, ang mga bikaryato ng St. Francis, 7 Archangels, Our Lady of Candelaria, at St. Joseph ang mga nagdaos ng kanilang kumustahan. Sa suporta ng mga pari ng bawat parokyang dumalo, napakinggan ang karanasan ng mga layko at nabigyang mukha ang pagkilos ng Espiritu Santo sa kanilang mga bikaryato. 

Ang kumustahang ito ay naglalayong:
  1.   Maunawaan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga laykong lingkod sa bawat parokya,
  2.   Kilatisin ang pagkilos ng Espiritu Santo sa mga komunidad, at
  3.   Kumalap ng mga mungkahi at obserbasyon upang lalong mapagbuti ang mga programa ng DCLI.

Kuha ni: Juliet Nacita

Diocese of Imus Logo

General CastaƱeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Build Version: v1.1.3