Ikinagagalak naming ipabatid ang paglulunsad ng opisyal na website ng Diyosesis ng Imus! Simula ngayong araw, Hulyo 31, 2024 maaari na itong ma-access sa pamamagitan ng pagpunta sa dioceseofimus.org.
Sa ating website, matatagpuan ninyo ang mga pinakabagong balita, anunsyo, at tampok na pangyayari sa Home Page. Alamin sa Diocesan Info ang Vision/Mission, Kasaysayan, at pangarap ng ating Diyosesis.
Sa Bulletin, mababasa ang mga mensahe mula sa ating Obispo. Makikita rin dito ang mga paparating na gawain, Kalendaryo, at Gallery. Ang Diocesan Communications ay naglalaman ng mga Liham Circular at Liham Pastoral. Sa Directories, mahahanap ang talaan ng mga parokya, kaparian, mga seminaryo, at mga impormasyon ukol sa mga institusyong nasasakupan ng ating Diyosesis.
Para sa mga katanungan, bisitahin ang Connect with Us para sa mga impormasyon sa pakikipag-ugnayan at mga link sa aming social media platforms.
๐๐๐ง๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐๐๐จ๐๐ฉ๐๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐๐จ๐๐ฉ๐ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐ค๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐๐๐ค ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐๐ฃ๐ ๐ช๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ฎ๐ค๐จ๐๐จ๐๐จ!