Pagbabasbas ng Domus Niño: Silid-Tulugan para sa Walang Tahanan, Inilunsad ng Parokya ng Santo Niño de Molino

by Ministry on Social Communications

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Pagbabasbas ng Domus Niño: Silid-Tulugan para sa Walang Tahanan, Inilunsad ng Parokya ng Santo Niño de Molino

May 23, 2025 by Ministry on Social Communications

 "Ako'y dayuhan at inyong pinatuloy." - Mateo 25:35

MOLINO, BACOOR -   Noong Miyerkules, ika-21 ng Mayo 2025, ganap na ika-6 ng gabi, isinagawa ang pormal na pagbabasbas ng Domus Niño—isang silid-tulugan na inilaan para sa mga kapatid nating walang tahanan. Ang makabuluhang proyektong ito ay inilunsad ng Parokya ng Santo Niño de Molino bilang konkretong tugon sa panawagan ng Ebanghelyo at sa adhikain ng isang Simbahang Sinodal—isang Simbahang nakikinig, nakikibahagi, at naglilingkod.

Bilang bahagi ng inisyatibong ito, nagtayo ang parokya ng dalawang silid: isa para sa mga kalalakihan at isa para sa mga kababaihan. Bawat silid ay may apat na kama at may hiwalay na banyo at paliguan upang matiyak ang kalinisan, kaayusan, at higit sa lahat, ang dignidad ng mga pansamantalang maninirahan.

Ang Domus Niño ay isang patunay ng pagkilos ng Simbahan sa lokal na antas—isang tahanang bukás para sa nangangailangan, at isang paalala na ang bawat isa ay may lugar sa puso ng pamayanan.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng parokya: https://www.facebook.com/stoninodemolino

#JubileeYear2025  #DiyosesisNgImus #StoNinodeMolinoParish #StoNinodeMolino #SanEzekielMoreno #LakbayPagAsa #PilgrimsOfHope

Latest News

𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀 𝐃𝐄 𝐋𝐎𝐑𝐄𝐍𝐙𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟓

By: Rusty Recentes

September 28, 2025


𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔: 𝗠𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀 𝗼𝗻 𝗥𝗲𝗹𝗶𝗴𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝗴𝗲 - ikalawang serye, isinagawa

By: Ministry on Social Communications

September 24, 2025


Pagpupulong ng mga Kinatawan ng Ministri sa Bokasyon Mula sa Iba't Ibang Parokya, Isinagawa

By: Ministry sa Bokasyon

September 06, 2025


Panahon ng Paglikha at Makakalikasan Month, binuksan ngayong Taon ng Hubileo 2025

By: Ministry on Social Communications

September 04, 2025


Liwanag ng Pananampalataya, Sumiklab sa Kapistahan ni Sta. Candida

By: Ministry on Social Communications

September 02, 2025


Taunang Karakol ng Parokya ng Santa Candida Maria de Jesus: Isang Pagdiriwang ng Pananampalataya at Pagkakaisa

By: Ministry on Social Communications

September 02, 2025


A Gateway to a Lifetime Journey!

By: Ministry sa Bokasyon

August 27, 2025


Most Rev. Jose Alan V. Dialogo is the newly elected Chairman of the Episcopal Commission on Family and Life

By: Ministry on Social Communications

August 23, 2025


Most Rev. Socrates C. Mesiona is the newly elected Chairman of the Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People

By: Ministry on Social Communications

August 23, 2025


Tugon sa Bokasyon naganap sa Our Lady of Fatima Parish, Molino

By: Ministry on Social Communications

August 11, 2025

Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6