๐๐๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐๐กฬ๐๐ฆ ๐๐๐ง๐ฌ, CAVITE โ Ipinagdiwang ng sambayanan ng POPE SAINT JOHN XXIII PARISH, San Marino City, Salawag, City of Dasmariรฑas, Cavite ang Dakilang Kapistahan ni Papa San Juan XXIII, ang binansagang "The Good Pope" at "Transitional Pope" na siyang patron ng parokya nitong Ika-11 ng Oktubre, 2025 mula sa pagdiriwang ng Misa Concelebrada sa ganap na ika-4:00 ng hapon na pinangunahan ni ๐๐๐ฏ. ๐๐ด๐ด. ๐ฅ๐ฒ๐๐ป๐ฎ๐น๐ฑ๐ผ ๐. ๐๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐น๐ถ๐๐๐ฎ, ๐.๐., ๐ข๐ฏ๐ถ๐๐ฝ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐บ๐๐ katuwang sina Rdo. Pd. Alex R. Varias, Kura Paroko ng Parokya ni Papa San Juan, at ang unang Kura Paroko ng Pope St. John XXIII at kasalukuyang Kura Paroko ng Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje Parish, Rdo. Pd. Miguel R. Conception III, at Rdo. Joebert Gatmaitan mula sa Our Lady of Holy Rosary,at mga masisigasig na mananampalataya at deboto dala ang gabay na temang โPistang Parokya Kasama ang Sambayanan at si Papa San Juan XXIII".
"Ngayong taong 2025, tayo ay nasa loob ng taon ng Hubileyo, kaya ang kapistahang ito ay nasa loob ng Holy Year. Tayo ay mga manlalakbay, na puno ng pag-asa. Christ is our Hope. Hope does not disappoint. Ipinangako ng Panginoong Hesus ang buhay na walang hanggan. Totoo bang may buhay na walang hanggan? - Totoo. Sino ang may sabi? - Siya, sabi ng Panginoon; Ako ang daan, katotohanan,at buhay."
"We are Pilgrims of Hope. At kahit na ang ating mahal na Patron, Papa San Juan XXIII ay isang Santo Papa na nagturo sa mga tao na umasa sa Diyos (to Hope in God). Kilala ang ating mahal na Patron sa malalim na pag-ibig kay Kristo, sa kanyang kababaang loob o humility, kapayakan o simplicity, at mapagpatawa o sense of humor. Siya ay hinirang na Santo Papa 76 years old, limang taon lamang. Pero napakalaki ng kanyang impact. Siya ang pinagmulan ng pagpapanibago ng Simabahan sa pamamagitan ng Second Vatican. Sa tulong ni Papa San Juan, sa bunga ng kanyang pagmamalasakit sa mga tao, nag-aalab ang kanyang pag-ibig kay Kristo. Ito ang palaging pinapaala-ala nya sa mga mananampalataya: Mahal tayo ng Diyos. Mahal tayong lahat ng Panginoong Hesus, ang Mabuting Pastol." - hango sa homilya ni Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus.
Ipinanganak sa pangalang Angelo Giuseppe Roncalli noong 1881 sa Italya, siya ay naglingkod bilang pari na may pusong mapagpakumbaba at bukas sa diwa ng kapayapaan. Noong 1958, nahalal siyang Santo Papa at agad na naging ilaw ng pag-asa sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon. Sa kanyang pamumuno, inilunsad niya ang Vatican Council II, isang makasaysayang pagtitipon na nagbukas sa simbahan sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa mundo. Noong 2014, kinilala ng Simbahan ang kanyang kabanalan sa pamamagitan ng kanonisasyon, bilang patunay ng kanyang buhay na saksi sa pag-ibig ng Diyos.
Ang halimbawa ni Papa San Juan XXIII ay paanyaya sa atin na mamuhay nang may kababaang-loob at bukas na puso. Sa kanyang buhay, natututo tayong makinig sa tinig ng Espiritu Santo, magtulungan bilang isang sambayanan ng Diyos, at maging mga tagapagdala ng kapayapaan at pag-ibig sa ating kapwa.
Papa San Juan XXIII, ipanalangin mo kami!
(Ulat mula kay Jon Quentin Balbaguio, MPK - Pope St. John XXIII Parish, Mga kuhang larawan nina Binea Jeverly C. Antang, Rollymar Obejas, at Kyle Benedict Occidental SOCCOM โ Diocese of Imus)
_____________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#JubileeOfTheLaityOfImus
#LayFormationOffice
#Jubilee2025
#LakbayPagAsa
#PilgrimsofHope
#DioceseOfImus