Pag-ibig na Nananahan, Pinagbubuklod ang Sambayanan

by Diocesan Media

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Pag-ibig na Nananahan, Pinagbubuklod ang Sambayanan

May 11, 2026 by Diocesan Media

 Pagtatalaga ng Simbahan at Altar ng Pangdiyosesanong Dambana ni San Agustin at Parokya ng Sta. Cruz 

Payak, tahimik, lubhang mataimtim, puno ng pasasalamat, puspos ng biyaya, at tigib ng pag-asa. Ganito nga ang namayani sa pinagpalang Araw ng Pagtatalaga ng Simbahan at Altar ng Pandiyosesanong Dambana ni San Agustin at Parokya ng Sta. Cruz.

Noong ika-3 ng Mayo 2026, kasabay ng Pagdiriwang ng ika-1700 Kapistahan ng Pagkakatagpo sa Banal ng Krus ng ating Panginoong Hesus, naganap ang panibagong kasaysayan sa ating pananampalataya, debosyon, at kultura. Pormal nang itinalaga ang iniayos at pinagandang Dambana ni San Agustin at Parokya ng Sta. Cruz. Bunga ng pinagsama-samang pagmamalasakitan, pagtutulungan, sakripisyo, at panalangin, naging matagumpay ang pagdiriwang.

Sa pangunguna ng Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Imus, kasama ang mga Paring Anak ng Tanza, ang kadiliman sa pagsisimula ng Rito ay sadyang nagdala ng liwanag at panibagong pag-asa sa Bahay Dalanginang magiging daluyan ng marami pang biyaya mula sa mga Sakramento. Ito ang masidhing paalaala sa atin na sa ating pagdedebosyon kay Tata Usteng, tayo ay kanyang sinasamahan. Tayo ang Bayan ng Diyos, ang mga binyagan at batong buhay na bumubuo sa templong espiritwal at banal.

Higit sa pisikal na gusali at magandang mga ornamento, ang malalim na hiwaga ay sumasaatin sapagkat tayong mga mananampalataya ang itinatalaga sa Diyos upang maghayag ng Mabuting Balita at ng mga kahanga-hanga Niyang gawa kung saan nananahan ang pag-ibig at nabubuklod ang sambayanan.

- Vicvic Llego, miyembro ng Ministri sa Pananaliksik at Komunikasyon ng Diocesan Shrine of San Agustin de Tanza) 

Latest News

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐀𝐚-πŸ’πŸŽ π€π§π’π›πžπ«π¬πšπ«π²π¨ 𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐀𝐚𝐩𝐚𝐫𝐒 𝐁𝐒𝐬𝐑𝐨𝐩 π‘πžπ²!

By: Diocesan Media

June 19, 2026


Apostolic Nuncio to the Philippines, Lb. Kgg. Archbishop Charles Brown, Nakiisa sa Kapistahan ng Our Lady of the Sacred Heart Parish sa Molino IV, Bacoor

By: Diocesan Media

June 01, 2026


Flores de Mayo sa Pilipinas

By: Diocesan Media

May 20, 2026


Taon Ng Pakikinig Third Conference: May Pakikisangkot

By: Diocesan Media

May 20, 2026


Digital Missionaries: Proclaiming Truth with Charity (A look back at the origins of the World Day of Social Communications)

By: Diocesan Media

May 17, 2026


The Philippines in Preserving Human Voices and Faces: Pope Leo XIV'S message for the 60th World Day of Social Communications 2026

By: Diocesan Media

May 17, 2026


Appropriation Session: Pakikinig Facilitators and Documentors

By: Diocesan Media

May 12, 2026


Pag-ibig na Nananahan, Pinagbubuklod ang Sambayanan

By: Diocesan Media

May 11, 2026


𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐩𝐨, 𝐁𝐒𝐬𝐑𝐨𝐩 π‘πžπ²!

By: DOI SOCCOM

May 07, 2026


Ta’ Karakol Na!: Tagaytay Cluster Seminaries Hosted Kapatiran 2026

By: DOI SOCCOM

April 15, 2026

Diocese of Imus Logo

General CastaΓ±eda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6