Byaheng Kalusugan sa GMA: Libreng Serbisyong Medikal, Hatid ng KASAMAKA at Caritas Imus

by Jubilee Media Team

https://dioceseofimus.org/assets/images/photo-will-be-posted-soon.png

Byaheng Kalusugan sa GMA: Libreng Serbisyong Medikal, Hatid ng KASAMAKA at Caritas Imus

June 01, 2025 by Jubilee Media Team

 San Jose, GMA, Cavite โ€” Isinagawa ang Byaheng Kalusugan: Monthly Medical Mission sa Parokya ng San Jose Manggagawa noong Sabado, ika-31 ng Mayo 2025, matapos ang banal na misa sa umaga. Sa pangunguna ng Kaagapay sa Mabuting Kalusugan (KASAMAKA) at Caritas Imus, matagumpay na naisakatuparan ang misyong pangkalusugan sa Parish Hall ng parokya. 

Layunin ng Byaheng Kalusugan na maabot at matugunan ang mga pangunahing pangangailangang medikal ng mga komunidad sa diyosesis, lalo na ang mga kapus-palad at nasa laylayan ng lipunan. Sa buwanang misyong ito, maraming residente ng GMA, kabilang ang mga senior citizen, kababaihan, at kabataan, ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal, optikal, at dental, kasama na ang iba pang tulong na pangkalusugan. 

Sa direksyon at masigasig na pamumuno ni Rev. Fr. Alfred Maramara, Kura Paroko ng Parokya ng San Jose Manggagawa, naging organisado at maayos ang daloy ng programa. Katuwang niya ang mga lider-layko, mga boluntaryo ng parokya, ang JCFCG Medical Team, at ang Caritas Imus, na nagsama-sama upang maisakatuparan ang makabuluhang gawain. 

Isang kapuri-puring tagpo rin ang pagboluntaryo ng isang dagdag na doktor mula sa mismong parokya upang tugunan ang hindi inaasahang dami ng mga pasyente, partikular sa dental service. Ang hakbanging ito ay patunay ng diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa, na isinusulong ng Caritas Imus sa ilalim ng kanilang mga programang pangkomunidad. 

Ayon sa mga benepisyaryo, labis ang kanilang pasasalamat sa mga serbisyong kanilang natanggap โ€” mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong handang maglingkod. Maging ang mga miyembro ng medical team ay nagpahayag ng kasiyahan sa naging pagtanggap at pakikiisa ng komunidad. 

Ang Byaheng Kalusugan ay isa sa mga biyaheng isinusulong ng Caritas Imus sa ilalim ng kanilang Byahe Tayo Program โ€” isang patuloy na panawagan ng pagkilos, pagkalinga, at pag-asa para sa bawat Caviteรฑo. 

Para sa mga susunod na iskedyul ng Byaheng Kalusugan at iba pang programa, bisitahin ang aming opisyal na pahina o makipag-ugnayan sa inyong parokya. 

Latest News

๐…๐ˆ๐„๐’๐“๐€ ๐ƒ๐„ ๐‹๐Ž๐‘๐„๐๐™๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

By: Rusty Recentes

September 28, 2025


๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ๐—”: ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ผ๐—ป ๐—ฅ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—–๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฒ - ikalawang serye, isinagawa

By: Ministry on Social Communications

September 24, 2025


Pagpupulong ng mga Kinatawan ng Ministri sa Bokasyon Mula sa Iba't Ibang Parokya, Isinagawa

By: Ministry sa Bokasyon

September 06, 2025


Panahon ng Paglikha at Makakalikasan Month, binuksan ngayong Taon ng Hubileo 2025

By: Ministry on Social Communications

September 04, 2025


Liwanag ng Pananampalataya, Sumiklab sa Kapistahan ni Sta. Candida

By: Ministry on Social Communications

September 02, 2025


Taunang Karakol ng Parokya ng Santa Candida Maria de Jesus: Isang Pagdiriwang ng Pananampalataya at Pagkakaisa

By: Ministry on Social Communications

September 02, 2025


A Gateway to a Lifetime Journey!

By: Ministry sa Bokasyon

August 27, 2025


Most Rev. Jose Alan V. Dialogo is the newly elected Chairman of the Episcopal Commission on Family and Life

By: Ministry on Social Communications

August 23, 2025


Most Rev. Socrates C. Mesiona is the newly elected Chairman of the Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People

By: Ministry on Social Communications

August 23, 2025


Tugon sa Bokasyon naganap sa Our Lady of Fatima Parish, Molino

By: Ministry on Social Communications

August 11, 2025

Diocese of Imus Logo

General Castaรฑeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.4.6