Naganap ang FTW (Facilitators Training Workshop) sa Bikaryato ng San Raphael noong ika-6 ng Hunyo 2025. Layunin ng paghuhubog na mas maging maayos at malinaw na maipadaloy ang mga Pre-Cana Seminars sa mga parokya upang ihanda ang mga ikakasal sa makahulugang pagtanggap ng Sakramento ng Kasal.
Ang resource speaker ay si Loreto San Juan mula sa Parokya ng Our Lady of Lourdes, Tagaytay. Dinaluhan ito ng 30 mga kasapi ng Ministri sa Pamilya at Buhay mula sa ibat-ibang parokya sa bikaryato, tulad ng Ina ng Laging Saklolo, Our Lady of Lourdes, Mary Magdalene, San Raphael Arkangel at San Agustin. (Ulat at mga larawang kuha ng Ministri sa Pamilya at Buhay)
#Family&LifeMinistry
#YearOfHope #DioceseOfImus #Jubilee2025 #PilgrimsOfHope
------------------------------
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
YouTube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961