๐ฃ๐๐ ๐๐ก๐. ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐. ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐
Matagumpay na isinagawa nitong 20 Setyembre ang ikalawang serye ng ๐ฃ๐๐ ๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐: ๐ ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐ฐ๐น๐ฎ๐๐ ๐ผ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐น๐ถ๐ด๐ถ๐ผ๐๐ ๐๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฒ sa Sambayanang Katoliko Hall ng Diyosesanong Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria sa Silang, Cavite. Ito ay kaalinsabay sa pagdiriwang ng Panahon ng Paglikha 2025 kung kailan inaanyayahan ang buong Simbahan na kumilos tungo sa responsableng paggamit ng mga likas na yaman at pangangalaga ng kalikasan at sangnilikha.
Lubos ang ating pasasalamat sa mga naging tagapagsalita na sina ๐. ๐ฃ๐ฎ๐๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐. ๐๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐, sa kanyang paksang ๐๐ฏ๐ค๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฉ๐ณ๐ช๐ด๐ต ๐ช๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ฆ๐ข๐ถ๐ต๐บ ๐ฐ๐ง ๐๐ข๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ, ๐๐ฎ๐๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฟ๐ผ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐. ๐๐น๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ผ, sa kanyang paksang ๐๐ข๐ถ๐ฅ๐ข๐ต๐ฐ ๐๐ช: ๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ฉ๐ถ๐ณ๐ค๐ฉ'๐ด ๐๐ช๐ด๐ต๐ฐ๐ณ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐๐ฐ๐ญ๐ฆ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฆ๐ด๐ฑ๐ฐ๐ฏ๐ด๐ช๐ฃ๐ช๐ญ๐ช๐ต๐บ ๐ช๐ฏ ๐๐ฅ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ญ๐ช๐ฎ๐ข๐ต๐ฆ ๐๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐ฆ, at ๐. ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐น๐ถ๐ฝ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ, sa kanyang paksang ๐๐ข๐ป๐ข๐ณ๐ฅ๐ด ๐ต๐ฐ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐จ๐ฆ: ๐๐ฏ๐ช๐ต๐ช๐ข๐ญ ๐๐ช๐ด๐ฌ ๐๐ด๐ด๐ฆ๐ด๐ด๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ช๐ฏ ๐๐ข๐ท๐ช๐ต๐ฆ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐จ๐ฆ ๐๐ต๐ณ๐ถ๐ค๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ๐ด.
Taos-puso rin ang pasasalamat ng Ministri sa lahat ng dumalo mula sa iba't ibang mga parokya sa ating Diyosesis, lalo na sa mga kinatawan mula sa iba't ibang mga kapilya at simbahang pamayanan sa bayan ng Silang na dumalo kasama ang mga imahen ng kanilang mga patron at pintakasi. Tunay namang ang kanilang presensya ay nagkaloob ng makalangit na paggabay sa lahat sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin.
Itaguyod ang ating pamana! Ipagdiwang ang ating pananampalataya!
Ang seryeng ito ng ๐ฃ๐๐ ๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐: ๐ ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐ฐ๐น๐ฎ๐๐ ๐ผ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐น๐ถ๐ด๐ถ๐ผ๐๐ ๐๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฒ ay inihatid sa atin ng:
Diocese of Imus
Diyosesanong Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria
Kapatiran ng Mahal na Birhen ng Candelaria ng Silang
National Historical Commission of the Philippines
Municipal Government of Silang
Silang Tourism
Silang Historical Society
Cafe Agapita
Espesyal na pasasalamat rin ang ipinaabot ng Ministri kina Reb. Padre Luisito C. Gatdula, kura rektor ng Diyosesanong Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria, Igg. Aidel Paul G. Belamide, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan para sa ikalimang distrito ng Cavite, at Igg. Edward "Ted" Carranza, punongbayan ng Silang, Cavite. (Ulat ng Ministry on the Cultural Heritage of the Church - Diocese of Imus. Larawang kuha ng Ministri sa Panlipunang Komunikasyon - Candelaria de Silang.)
#PAMANAMPALATAYA #Pamana #Pananampalataya #SeasonOfCreation2025 #PanahonNgPaglikha2025 #LaudatoSi #DioceseOfImus #Cavite #CulturalHeritage #LakbayPagAsa #PilgrimsofHope
_____________________________________________________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Jubilee 2025 Facebook page: https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
YouTube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961