Paghahanda para sa Pagbubukas ng Jubilee Churches sa Diyosesis ng Imus
Ngayong umaga, Nobyembre 26, 2024, isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa sa Bishop Felix Perez Pastoral Center, Imus City, Cavite, bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbubukas ng mga Jubilee Churches sa Diyosesis ng Imus.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing plano at gawain kaugnay ng makasaysayang selebrasyon ng Jubilee 2025. Ang mga Jubilee Churches ay maingat na hinati batay sa Core Values na nakapaloob sa Pangarap ng Diyosesis ng Imus. Hinihikayat ang mga pilgrims o manlalakbay na bumisita sa hindi bababa sa limang simbahan na kabilang sa iba’t ibang Core Values upang higit na maunawaan at maipadama ang espiritwal na diwa ng bawat aspeto ng pananampalataya.
Narito ang listahan ng mga Jubilee Churches ayon sa Core Values ng Diyosesis:
1. Maka-Diyos
- Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar, Imus Cathedral
- National Shrine of Our Lady of La Salette, Silang
- St. Gregory the Great Parish, Indang
- Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception, Naic
2. Maka-Tao
- Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima, Binakayan
- Immaculate Conception Parish, Dasmariñas City
- Our Lady of Lourdes Parish, Tagaytay City
- Our Lady of the Assumption Parish, Maragondon
3. Maka-Buhay
- St. Michael the Archangel Parish, Bacoor City
- Our Mother of Perpetual Help Parish, DBB-1, Dasmariñas City
- St. Augustine Parish, Mendez-Nuñez
- Diocesan Shrine and Parish of the Most Holy Rosary, Rosario
4. Maka-Kalikasan
- Diocesan Shrine of Nuestra Señora de Soledad de Porta Vaga and Parish of San Roque, Cavite City
- St. Joseph Parish, Carmona
- Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Candelaria, Silang
- St. Francis of Assisi Parish, City of General Trias
5. Maka-Bayan
- Diocesan Shrine and Parish of St. Mary Magdalene, Kawit
- Santo Niño de Molino Parish, Molino, Bacoor City
- St. Jude Thaddeus Parish, Trece Martires City
- Diocesan Shrine of St. Augustine and Parish of Sta. Cruz, Tanza
Bukod dito, itinalaga rin ang mga Diocesan Core Value Lead Persons na mangunguna sa bawat aspeto ng mga programang ihahanda:
- Maka-Diyos: Rev. Fr. Reymar A. Arca
- Maka-Tao: Rev. Fr. Romel C. Lagata
- Maka-Buhay: Rev. Fr. Knoriel Alvarez
- Maka-Kalikasan: Rev. Fr. Migz Concepcion III
- Maka-Bayan: Rev. Fr. Raffy Parcon, Jr.
Ang pagpupulong ngayong araw ay simula pa lamang ng mga preparasyon para sa Jubilee 2025. Ang mga aktibidad at detalye ng kaganapan ay ipapaabot sa mga susunod na araw. Inaasahan ang aktibong pakikilahok ng bawat isa upang matiyak ang tagumpay ng selebrasyong ito.
Patuloy nating ipanalangin ang matagumpay na pagdiriwang ng Jubilee sa ating Diyosesis!